Maglulunsad ng “Tuloy Biyahe Program: Tsuper Onboarding Roadshow” ang on-demand delivery
platform na Lalamove para makapagbigay ng oportunidad na magkaroon ng pangkabuhayan o dagdag kita ang iba’t ibang klase ng mga drivers, PUV o PUJ, at iba pang workers sa North, Central, at South Luzon, pati na rin sa National Capital Region. Sa Pampanga, Tarlac, at Baguio gaganapin ang unang batch ng Tsuper Onboarding Roadshow.
Gustong maiparating ng Lalamove sa mga lugar na ito ang oportunidad na magkaroon ng flexible at
sustainable na pangkabuhayan. “May naghihintay na pangkabuhayan sa Lalamove para sa mga drivers na gustong magbalik-pasada. Sa Tuloy Biyahe Roadshow, hindi lang sila magiging driver, pwede rin sila maging mga
entrepreneurs.
Sa programang ito, pwede rin silang magkaroon ng dagdag kita para sa kinabukasan ng kanilang pamilya,” sabi ni Djon Nacario, Managing Director ng Lalamove Philippines Sa Tsuper Onboarding Roadshow, kahit sino pwede maging Lalamove Partner Driver, mapa-jeepney driver, taxi driver, o kahit ano pa ang karanasan mo sa pagmamanaho, welcome na welcome ka dito! At kung may sariling sasakyan ka man o wala, narito ang mga activities at benefits na pwede mong makuha sa Tuloy Biyahe Roadshow:
Driver Onboarding: Express Verification sa May Sariling Sasakyan
Mabilisan ang pag-verify at onboarding, kaya’t ready ka na agad magsimula sa biyahe bilang bagong Lalamove partner driver. Mayroon ding 50% cash deposit fee discount para sa mga mag-sign up. Para naman sa 50 na unang ma-onboard bilang Lalamove partner driver, mayroong makukuha na exclusive freebies tulad ng raincoats, Lalamove-branded vest, at marami pang iba.
Vehicle Loan Assistance via Lala Auto
Simple at madali nalang ang pag-apply sa car loan sa tulong ng Lalamove Automotive at mga partner nito tulad ng Agribank. Pangarap mong sasakyan pamasada, abot-kaya na!
Driver-Fleet Operator Matching
Mas madaling pumasada kung may kapartner ka sa bawat biyahe. Kung yan ang gusto mo, pwede kang tulungan ng Lalamove na makahanap ng isang Lalamove-verified fleet operator. Magka-sosyo na kayo sa pasada, magkatulong pa kayo sa pag-asenso.
Driver Safety Training: Mula sa Land Transportation Office (LTO)
Mayroon din safety training mula sa mismo sa LTO, kung saan matututunan mo kung paano pa maging mas ligtas at responsable sa iyong araw-araw na biyahe. Bibigyan ka pa nila ng advise para maiwasan ang iba pang violation sa daan. Matutulungan ka nitong makapagbigay ng safe at maayos na serbisyo.
Tsuper Onboarding Schedules
Ang mga local government units ng Pampanga, Tarlac City, Baguio City, at sa ilan pang mga lugar sa bansa ay nakikipagtulungan na rin sa Lalamove upang isagawa ang Tsuper Onboarding Roadshow. Katulong ang mga local government units, hinihikayat ng Lalamove ang mga interesadong drivers at mga workers na gustong magka-hanapbuhay na lumahok sa Tuloy Byahe program. Narito ang schedule para sa mga paparating na onboarding events:
Route 1: North & Central Luzon
● September 18: Waltermart San Fernando, Pampanga
● September 19: Kaisa Convention Hall, Tarlac City
● September 20: Bakakend Central Barangay Hall, Baguio City
Pwede rin abangan ng ibang kababayan natin sa NCR, South Luzon at South Cebu ang Tsuper
Onboarding Roadshow:
Route 2: NCR & South Luzon
● September 26: Quezon City Hall Canopy Risen Garden Plaza
● September 27: OneMall, Brgy. Genti, Valenzuela City
● September 30: San Juan City Hall Atrium
● October 1: Lipa City Cultural Center, Batangas
Route 3: Cebu
● October 3: Mandaue City Cultural & Sports Complex,
● October 4: Cebu City Sports Center
September 29, 2024
September 29, 2024
September 25, 2024
September 24, 2024
September 18, 2024