ROSALES, PANGASINAN – Isang incumbent at reelectionist na barangay kagawad at dalawa pang lalaki ang inaresto habang nagkakatay ng aso sa Barangay Rizal, bayang ito, noong Mayo 8, 2018.
Kinilala ng Rosales police ang mga naaresto sa paglabag ng Animal Welfare Act na sina incumbent barangay kagawad Joven Ledda; Danilo Morden, magsasaka; at Renato Caramat, farm helper.
Si Ledda at ang dalawang lalaki ay naaktuhan habang kinakatay ang isang aso at kasalukuyan nang nasa kustodiya ng Rosales police.
Samantala, sinabi ni provincial election supervisor Atty. Marino Salas ng Commission on Elections-Pangasinan na ang pagkaaresto ni Ledda dahil sa kasong inihain laban sa kaniya ay hindi sapat na rason para ma-disqualify ito sa halalan.
“A candidate, before he can be disqualified, needs to be convicted by final judgment of the court. Even though a case is filed, he can still run in the elections,” ani Salas.
Ang Section 8 ng Animal Welfare Act ay nagsaad na ang mahuhuling lalabag ay maaaring makulong nang anim na buwan hanggang dalawang taon o magmulta ng P1,000 hanggang P5,000 o parehong parusa, depende sa desisyon ng korte. H.AUSTRIA, PNA / ABN
December 8, 2024
December 8, 2024
December 8, 2024
December 8, 2024
December 8, 2024