Kahirapan sa Taong 2020 Dulot ng Covid-19, Solusyon Wala Pa Rin

Tapik ni Tonying

Limang buwan na kung tutuusin ang nararanasang kahirapan ng mga Pilipino dulot ng COVID-19 na nagsimula noong Marso 15 ang lockdown o yung tinatawag ng gobyerno na Enhance Community Qurantine ito ay ang ginagawang pag control sa mga Gawain ng tao, pagsasara sa mga Negosyo pagsupil sa Karapatan ng taong huminga ng sarawiang hangin, makapagtrabaho at makisalamuha sa kapawa, nauso ang face mask, face shield ,social distancing ito raw ay upang maiwasan ang pagkalat ng virus.

Sa loob ng dalawang buwan agos ang ayuda ng gobyerno sa pagkain sa mga tao, pagbibigay ng cash incentives sa mga tambay na hindi naman nagbabayad ng buwis binalewala ang mga middle class o yung working sector ng bansa na hindi binigyan ng ayudang pera o food packs dahil ang paliwanag ng mga kapitan at ng gobyerno ay may trabaho naman sina pedro at juan e kung hindi ba naman ungasis ang mga ito tumigil nga ang trabaho e papanong magkaka pera ang mga working middle class.

Ang mga middle class ay walang boses sa gobyerno na humingi ng pera or food packs dahil una nga ay sinabi na ani kapitan at kapitana na “disqualified ang mga me trabaho” at ang bibigyan ay ang mga mahihirap at mga tambay lamang.

Sobra ang pahirap ng gobyerno sa mga Pilipino dahil sa sakit na Covid-19 na ito subalit kung titignan mo sa ibayong dagat ay kinayang labanan ng mga bansang ito ang virus na ito gaya ng Italya, Europe, Australia, Korea, Japan at Singapore , idagdag muna diyan ang Malaysia, Vietnam at iba pang karatig bansa natin ay naagapan nila ang pagkalat ng sakit na ito.

Sa ngayon umaangal na ang mga duktor, mga nurse at iba pang mga empleyado ng hospital dahil sa sobrang pagod na rin nila at imbes na marami ang gumagaling mas lalo pang dumarami ang naaapektuhan ng virus na ito.

“Time out” ito ang panawagan nil ana ayon din sa kanila ay i-review ang Sistema ng pangagamot sa mga may virus na at kung paano masusupil, mako-control ang nasabing virus. Subalit tila iba ang pananaw ng Pangulong Duterte sa isyung ito at maging ang ibang “observer” ay iba rin ang tingin nila kesyo ginagamit daw ng “pulitika” ang mga frontliners upang pabagsakin si Digong.

Sa aking pananaw ka Pabling at Ka Pekto me punto ang mga doctor na rebesahin ang Sistema ng gamutan sa mga pasyente ng Covid-19.

Ang tanong ko nga e may gumagaling naman pala sa mga nagkaka Covid e di may gamut talaga ayaw lang ibulgar ito ng mga duktor marahil may kinatatakutan sila. At marahil may itinatagong lihim ang mga namumuno o ang nagpapalakad sa pag control ng sitwasyon sa mga bansa.

Limang buwan na ang sitwasyon nating ito at pabalik -balik tayo sa MGCQ, MECQ at ano pa ba? Suggestion ko lang sa mga namumuno na tignan ninyo sa malawakang senaryo ang bansa , pag aralan ang mga galaw at boses ng bawat Pilipino kung ano ang gusto nilang mangyari ? Hindi sapat ang ayuda trabaho ang kailangan ng mga tao.

Paano na pag Nawala sa katinuan ang mga tao dulot ng kahirapan sa buhay? Hindi bat magkakagulo, darami ang krimen gaya ng nakawan, huldapan at kung ano pa ang masamang maisip ng mga tao makakain at maka surive lamang.

Sana sa mga darating na araw kung tototo man ang sinasabi ni Pangulong Digong na magkakaroon ng vaccine sa Disyembre ay maganap nga ito upang manumbalik ang kabuhayan ng bawat Pilipino.

Sana hindi siya nagbibiro (joke) dahil umaasa ang mga Pilipino sa kanyang salita bilang Pangulo ng bansang Pilipinas.
***
Sa lunsod ng Baguio lalong dumarami ang kaso ng Covid-19 halos pumelo na rin sa 156 at halos apat ang namatay tatlo sa Baguio City at isa sa lalawigan ng Abra. Ipina lockdown din ni Mayor Magalong ang 23 na barangay sa lunsod bunga ng pagtaas ng mga kaso ng Covid-19 sa mga barangay na ito.

At sa kaalaman ng mga taga Baguio gastos na naman ito dahil simula sa August 15 ,2020 ay gagamit na ang mga taga-Baguio ng face shield bukod sa face mask, anak pating oo ka Pabling at ka
Pekto talagang pinahihirapan tayo wala nan gang makain dagdag pa sila ng gastusin

Harinawa ay magkaroon ng milagro ang ating bansa na magkaroon ng kaliwanagan ang lahat lalo na sa mga namumuno na Makita nila ang hirap na dinaranas ng kanilang mga kababayan sa pagkawala ng kanilang mga trabaho at hanapbuhay…