Kailangan ang sama-samang pagsupil sa ASF

Ang African Swine Fever (ASF) ay isang mapaminsalang hemorrhagic fever ng mga baboy na may mortality rates na malapit sa 100 porsiyento. Sanhi ito ng pagkalugi sa ekonomiya, banta sa seguridad ng pagkain at nalilimitahan ang produksioyn ng baboy sa mga apektadong bansa.

Wala pang bakuna laban sa virus na naglalagay sa mga mahihirap na bansa gaya ng Pilipinas sa mahirap na sitwasyon kung paano lipulin ang sakit at makaagapay sa krisis na dulot sa mga nagaalaga ng baboy, mamimili at sa ekonomiya.

Sa nakalipas na taon ay mabilis na kumalat ang ASF sa Asya. Ang unang opisyal na paglitaw ay sa China noong Agosto 2018 na kumalat sa Vietnam, Laos, Myanmar, Cambodia, Mongolia at North Korea. Lumitaw ang African swine fever sa Pilipinas noong Hulyo 2019 sa napaulat na unang kaso sa probinsiya ng Rizal at kumalat sa ibang bahagi ng Luzon bago tamaan ang Mindanao.

Mula noon ay daan-daan libong baboy na ang namatay at pinatay (culled). Sa ngayon, ayon sa Bureau of Animal Industry ay may mga kaso na ng ASF sa Cordillera Administrative Region (CAR) sa mga bayan ng Kabayan, Benguet; Tuba, Benguet; Banaue, Ifugao; Kiangan, Ifugao; Lagawe, Ifugao; Tabuk City, Kalinga at Tanudan, Kalinga.

Sa Ilocos Region ay tinamaan na rin ang Asingan, Pangasinan; Basista, Pangasinan; Binmaley, Pangasinan; Calasiao, Pangasinan; Dagupan City, Pangasinan; Lingayen, Pangasinan;Malasiqui, Pangasinan; Santa Barbara, Pangasinan; Urdaneta City, Pangasinan.

Sa Cagayan Valley Solano, Cagayan; Tuguegarao City, Cagayan;Jones, Isabela;Mallig, Isabela; Quirino, Isabela at Bayombong, Nueva Vizcaya.

Central Luzon Baler, Aurora; Abucay, Bataan; Dinalupihan, Bataan; Hermosa, Bataan; Orani, Bataan; Orion, Bataan; Pilar, Bataan; Samal, Bataan; Angat, Bataan; Balagtas, Bataan; Baliuag, Bulacan; Bocaue, Bulacan; Bulacan, Bulacan;Bustos, Bulacan;Calumpit, Bulacan; Guiguinto, Bulacan; Hagonoy, Bulacan; Malolos City, Bulacan; Marilao, Bulacan; Meycauayan, Bulacan; Norzagaray, Bulacan; Obando, Bulacan; Pandi, Bulacan; Paombong, Bulacan; Plaridel, Bulacan; Pulilan, Bulacan; San Ildefonso, Bulacan; San Jose Del Monte, Bulacan; San Miguel,
Bulacan; San Rafael, Bulacan; Santa Maria, Bulacan; Doña Remedios Trinidad, Bulacan; Aliaga, Nueva Ecija; Bongabon, Nueva Ecija; Cabanatuan City, Nueva Ecija; Cabiao, Nueva Ecija; Carranglan, Nueva Ecija; Cuyapo, Nueva Ecija; Gabaldon, Nueva Ecija; Gapan City, Nueva Ecija; General Mamerto Natividad, Nueva Ecija; General Tinio, Nueva Ecija; Guimba, Nueva Ecija; Jaen, Nueva Ecija; Laur, Nueva Ecija; Licab, Nueva Ecija; Llanera, Nueva Ecija; Lupao, Nueva Ecija; Muñoz, Nueva Ecija; Palayan City, Nueva Ecija; Quezon, Nueva Ecija; Rizal, Nueva Ecija; San Antonio, Nueva Ecija;San Isidro, Nueva Ecija; San Jose City, Nueva Ecija; San Leonardo, Nueva Ecija; Santa Rosa, Nueva Ecija; Santo Domingo, Nueva Ecija;Talavera, Nueva Ecija;Talugtug, Nueva Ecija; Zaragoza, Nueva Ecija; Angeles City, Pampanga;Apalit, Pampanga;Arayat, Pampanga;Bacolor, Pampanga;Candaba, Pampanga;Floridablanca, Pampanga;Guagua, Pampanga;Lubao, Pampanga;Mabalacat, Pampanga;Macabebe, Pampanga;Magalang, Pampanga;Masantol, Pampanga;Mexico, Pampanga;San Fernando, Pampanga;San Luis, Pampanga;San Simon, Pampanga;Santa Ana, Pampanga;Santa Rita, Pampanga;Santo Tomas, Pampanga;Capas, Tarlac;Concepcion, Tarlac;Gerona, Tarlac;La Paz, Tarlac;Moncada, Tarlac;Pura, Tarlac;Santa Ignacia, Tarlac;Tarlac City, Tarlac;Victoria, Tarlac at San Jose, Tarlac

Sa Metro Manila ay tinamaan na rin ang Muntinlupa habang sa Calabarzon ay may kaso na rin sa Laurel, Batangas;Bacoor, Cavite;Dasmariñas, Cavite;General Trias, Cavite;Imus, Cavite;Indang, Cavite;Silang, Cavite;Gen. Mariano Alvarez, Cavite;Catanauan, Quezon;Mulanay, Quezon;San Narciso, Quezon;Angono, Rizal;Antipolo City, Rizal;Baras, Rizal;Binangonan, Rizal;Rodriguez, Rizal;Morong, Rizal;Pililla, Rizal;San Mateo, Rizal;Tanay, Rizal;Taytay, Rizal atTeresa, Rizal.

Sa Bicol Region ay may kaso na rin sa Bombon, Camarines Sur;Calabanga, Camarines Sur at Naga City samantala sa Davao Region ay umabot na sa Jose Abad Santos, Davao Occidental;Don Marcelino, Davao Occidental at Malita, Davao Occidental.

Ipinagbawal na ng Pilipinas ang importasyon ng baboy at mga produktong-baboy mula sa tradisyunal na trading partner countries na napag-alamang dumadanas ng krisis sa sakit na ASF gaya ng Belgium, Bulgaria, Cambodia, China, Czech Republic, Hong Kong, Hungary, Laos, North Korea, Latvia, Moldova, Mongolia, Poland, Romania, Russia, South Africa, Ukraine, Vietnam at Zambia mula pa noong Setyembre ng nakaraang taon na isinama na rin ang Myanmar, South Korea, and Serbia.

Sa paglaganap ng ASF sa halos lahat ng panig ng Pilipinas ay hindi lamang ang mga nagaalaga ng baboy at producer ng mga naprosesong karne ang nagdurusa kundi pati mga consumer ay lubhang nararamdaman ang epekto. Tumataas ang mga presyo ng ibang produktong karne gaya ng manok at baka na pinangangambahan lalong tataas hangga’t makakita ang gobyerno ng paraan para masupil ang pagkalat ng ASF.

Kinakailangan ang ibayong kampanya sa impormasyon sa mga lugar na wala pang kaso ng ASF upang mahadlangan ang pagpasok ng sakit sa mga komunidad at siguruhing napapanahon at tama ang responde sa oras na may mga senyales ng ASF ang nakita. Mahalaga ito lalo na sa mga nag-aalaga sa bakuran na sila ang lubhang tinamaan sa mga apektadong lugar ng ASF.

Sa kawalan ng indikasyon na makokontrol ang impeksiyon, lahat ng kinauukulang ahensiya ay dapat sama-samang magtrabaho kasama ang manlalaro sa industriya gayundin ang buong komunidad para sa pinaigting na pagsupil sa ASF.

Amianan Balita Ngayon