Kainan at print shop sa Post Office Loop, nasunog

Tinupok ng apoy ang dalawang establisimyento sa Post Office Loop dakong ika-8 ng gabi noong Lunes, Marso 19, sa Baguio City.
Tumagas na tangke ng liquefied petroleum gas (LPG) sa isang kainan ang nakitang dahilan ng sunog at nadamay lamang ang katabi nitong printing shop ayon sa inisyal na pagsisiyasat ng Baguio City Fire Department (BCFD).
Maaari umanong nagsimula ang sunog nang may naiwang nakabukas na kalan at nagkaroon ng pagtagas sa tangke ng LPG ng nasabing kainan na agad namang kumalat sa katabing printing shop nito.
Naideklarang fire out dakong 8:40pm at walang naiulat na nasaktan sa insidente.
Inaalam pa ng BCFD ang kabuuang halaga ng napinsala sa nasabing sunog. MARK BROZULA VILLAFLORES, UB Intern / ABN

Amianan Balita Ngayon