“KALBARYO NG MGA IPS DAHIL KAY NCIP CHAIRMAN CAPUYAN, COMMISSIONER CAYAT”

Napaaga ang Biyernes Santo ni National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) Chairman Allen Capuyan at NCIP-Region 1/CAR Commissioner Gaspar Cayat. Isinasakdal si Capuyan at Cayat sa Office of the Ombudsman dahil sa umano’y hindi tuwirang paggawad ng permiso sa operasyon ng planta at expansion ng National Cement Corporation/ San Miguel Northern Cement
Inc. (NCC/SMNCI) sa barangay Labayog, bayan ng Sison, Pangasinan.

Sa pagsusuri, nasasakupan ito ng ancestral domain ng mga katutubong “Bag-o” at ayon sa Indigenous Peoples Rights Act (IPRA), nangangailangan ng Free and Prior Informed Consent (FPIC) bago pa man magawaran ng Certificate of Precondition/ Certificate of Non-Overlap (CP/
CNO). Nakatakdang magpaso ang Mineral Sharing Production Sharing Agreement (MPSA) ng
NCC/SMNCI ngayong Marso, kanya’t kinailangang nito muling mangalap ng CP/CNO upang makapagpatuloy sa operasyon.

Napatunayan ng NCIPRegion 1 na ang 630,000 ektaryang expansion ng NCC/ SMNI ay sakop ng ancentral domain, kanya’t inihanda ang proseso ng pagkuha ng FPIC sa komunidad na nasasakupan ng expansion. Nagulantang na lamang ang mga IPs ng Sison, Pangasinan nang inilabas ni NCIP-Region 1 Director Manuel Jaramilla ang isang walang numerong CNO na pinirmahan din ni Commissioner Cayat na may petsang May 7, 2021.

Samakatwid, nagawaran ng panibagong MPSA ang NCC/SMNCI sa bisa ng walang numerong CNO, na hindi naayon sa nakasaad sa batas. Nahaharap sina NCIP Chair Capuyan at Commissioner Cayat ng kasong administrative “Grave Misconduct, Gross Neglect of Duty, and Conduct Prejudicial
to the Best Interest of the Service” at kasong criminal na “Violation of RA 3019/Anti-Graft Practices Act and Falsification and Use of Falsified Documents” dahil sa pagtalikod sa sinumpaang tungkuling isaalang-alang ang kapakanan ng mga katutubo’y, napaboran ang dambuhalang kumpanyang NCC/SMNCI.

Mukhang “save by the bell” si dating Regional Director Jaramilla dahil nagretiro na ito. Samantalang nahaharap ang NCC/SMNCI sa kasong “Use of Falsified Document” dahil sa paggamit nito sa “magic document” na nanlinlang sa Mines and Geosciences Bureau-Region 1 upang marenew ang MPSA nito. Nais ng mga nagreklamong “Bag-o” ng barangay Labayog, Sison, Pangasinan na matanggal sa gobyerno sina Capuyan at Cayat, mapawalang bisa ang anumang benepisyong matatanggap mula sa pamahalaan, at tuluyang hindi na kailanman’y makapagsilbi pa
sa gobyerno bilang parusa.

Amianan Balita Ngayon