Kalgaw Festival tampok ang wet and cool Bauang 2018

BAUANG, LA UNION – Inaasahan ang pagdagsa ng turista at maging ang mga nasa karatig probinsya ng La Union at Ilocos upang saksihan at makikisaya sa tatlong araw na Kalgaw Festival sa April 20-22, 2018 sa Marand Beach Resort, Baccuit Sur, Bauang, La Union.

Sisimulan ang unang araw ng iba’t ibang paligsahan at mga banda na magko-concert ng 6Cyclemind at Siakol at may mga pa-raffle rin sa April 20 (Friday), ang Ginuman Fest na inisponsoran ng Ginebra San Miguel ang events.

Sa pangalawang araw naman sa April 21 ay pangungunahan ni Mayor Eulogio Clarence Martin P. De Guzman III ang programa upang magbigay ng mensahe na gaganapin sa town plaza bago simulan ang parada na kasama ang Sanggunian sa pamumuno ni vice-mayor Bonifacio “Boni” Malinao, mga konsehal at ang mga kawani ng departamento ng munisipyo ng Bauang na kung saan ay mga naka t-shirt design ng “wet and cool Bauang 2018” at may mga hawak na water gun na gagamitin pang-basa sa parade.

Sinabi ni De Guzman, “ang Summer Wet and Cool Bauang ang pinakatema ng ating Kalgaw festival na sa panahon ngayon ng tag-init ay palalamigin natin ito sa pamamagitan ng pagbabasa gamit ang water gun. Iwasan lamang po natin itama sa parteng mukha upang hindi makasakit sa tao ganun din sa mga may hawak na gadget/cellular phone. Magsama-sama tayong magsasaya at magpapakita ng talento at kalakasan ng ating pangangatawan na bukas ito sa bawat barangay, ang Olympics ti baybay, mga sports tulad ng volleyball para sa kababaihan at LGBT category per district, sa Tug of War naman ay magkakasubukan din ang mga kalalakihan at ang LGBT category per barangay.”

“Sa gabi naman ay aaliwin tayo ng mga banda ang Baggak band, local band, ang fire dancers at ang mga DJ Mixing (DJ Jade Hartman at local DJ mixer) dito na rin natin ia-announce ang mga winners,” ani De Guzman.

Sa April 22 (Sunday) ay matutunghayan ang Zumba at the beach at ang Bikekadahan, at ang pinaka-aabangan na Master Chef competition ng Bauang Tourism Council. Paligsahan ito ng pinaka o “the best” na Halo-halo na sisimulan ng alas otso ng umaga hanggang ala una ng hapon sa Marand Beach Resort, Bauang, La Union. ABN

Amianan Balita Ngayon