TINGLAYAN, Kalinga
Matagumpay na nasamsam ng Kalinga Police Provincial Office (PPO) isang plantasyon ng marijuana na may halagang P10 milyon sa bulubundukin ng Barangay Loccong,Tinglayan,Kalinga, noong Oktubre 18. Sa hiwalay na operasyon, natiklo naman ng mga tauhan ng Pinukpuk Municipal Police Station ang isang drug pusher at nahulihan ng P35,000 halaga ng shabu. Sa ulat na tinanggap ni Brig.Gen. David Peredo,Jr., regional director, kay Col. Gilbert Fati-ig, provincial director ,ng Kalinga Provincial Police Office, may kabuuang 50,000 piraso ng Fully Grown Marijuana Plants ang pinagbubunot ng magkasanib na operatiba mula sa Provincial Drug Enforcement Unit ( PDEU), Provincial Intelligence Unit (PIU), Tinglayan Municipal Police Station (MPS), at 1st and 2nd Kalinga Provincial Mobile Force Companies (PMFC) ng Kalinga PPO, at ang Regional Mobile Force Battalion 15. Sa bisa ng search warrant na inihan ng pulisya, isang 29 anyos na lalaking drug personality ang nahilihan ng limang sachet ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na 5.2 gramo na may halagang P35,360.00 sa loob ng bajay nito sa
Barangay Pinococ, Pinukpuk, Kalinga.
Zaldy Comanda/ABN
October 26, 2024
November 1, 2024
November 1, 2024
November 1, 2024
November 1, 2024
November 1, 2024
November 1, 2024