KALINGA SON, BAGONG HEPE NG BAGUIO’S FINEST

BAGUIO CITY – Pinangasiwaan ni Brig.Gen.John Chua, deputy director for administration ng Police Regional Office-Cordillera, ang turnover ceremony para sa bagong city director ng Baguio City Police Office, na sinaksihan ni Mayor Benjamin Magalong at ng command personnel ng Baguio’s Finest noong Oktubre 5.

Ang bagong city director ay si Col. Francisco Bulwayan,Jr, tubong Tanudan, Kalinga, dating hepe ng
Regional Personnel and Records Management Division (R1) ng PROCOR at miyembro ng Philippine National Police Academy Class 1992. Pinalitan niya ang kanyang classmate na si Col.Glenn Lonogan, na ngayon ay hepe ng RPRMD (R1) ng PROCOR.

Sa mensahe ni Magalong, pinasalaman nito si Lonogan sa paglilingkod sa lungsod sa loob ng isang taon at tatlong buwan. Aniya, malaki ang naiambag ni Lonogan sa kapayapaan at kaayusan at dangal ng lungsod. “Sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan, nakatanggap ang BCPO ng Gold Eagle award, ang pinakamataas na parangal na ibinigay ng PNP headquarters, na nagpapahiwatig ng institusyonalisasyon ng mga programa, proseso, at sistema sa pagganap ng mga tungkulin ng
pulisya sa Summer Capital, ” sabi ni Magalong.

Hinimok ni Magalong si Bulwayan na ipagpatuloy ang mga programa ni Lonogan at panatilihinang parangal o tumaas pa upang maging halimbawa ang BCPO sa kabuuan. “Hinihiling ko rin sa buong tauhan ng Baguio’s Finest na suportahan ang pamumuno ng inyong bagong pinuno at tulungan ang bawat isa upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan na inaasahan sa atin ng mga mamamayan,” dagdag ni Magalong. Tiniyak naman ni Bulwayan na ipagpapatuloy niya ang mga programa ni Lonogan at paiigtingin
pa ang programang Kasimbayan para sa maunlad na kaunlaran ng Baguio.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon