KALINGGA POLICE PROVINCIAL OFFICE JOINS BRIGADA ESKWELA 2022

Sa lalawigan ng Kalinga, ang mga kapulisan ng Kalinga Police Provincial Office (PPO) ay tumulong sa iba’t ibang mga gawain bilang pagsuporta sa Brigada Eskwela ng Department of Education (DepEd) na may temang: “Tugon sa Hamon ng Ligtas na Balik-Aral”. Sa Brgy. Poblacion, Tinglayan, nagtulong-tulong ang mga kapulisan ng Tinglayan Municipal Police Station (MPS) kasama ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at Force Multipliers sa paglilinis at pagtanggal ng damo sa paligid ng Tinglayan Central School. Kanila ring nilinisan ang mga classrooms at inayos ang water sink sa nasabing paaralan.

Samantala, sa Brgy. Malagnat, Pinukpuk, tumulong naman ang mga kapulisan ng Pinukpuk MPS sa mga magulang at SK members sa pag-aayos ng perimeter fence ng Liplipoken Elementary School. Sa bayan pa rin ng Pinukpuk, ang mga kapulisan ng Pinukpuk MPS kasama ang Bureau of Fire Protection (BFP), barangay officials, teachers, at mga magulang ay kanilang tinanggal ang nilinis ang school grounds ng Tappo Elementary School sa Brgy. Apatan. Maliban dito, naglecture din ang mga kapulisan patungkol sa anti-illegal drugs, anti-terrorism campaign at recruitment strategies ng mga communist terrorist proup para sa mga mag-aaral ng nasabing barangay.

Amianan Balita Ngayon