Kalungkutan, Pagkabalisa tomboy lumundag sa Condo, Patay

BAGUIO CITY (May 30, 2020) – Maaring bunga ng sobrang kalungkutan, pagkabalisa at problema sa buhay ang nagdulot sa isang 30 anyos na lesbian (tomboy) na lumundag mula sa ika-8 palapag ng isang condominium sa may kahabaan Kisad road noong nakaraan ng gabi ng Biyernes.

Nakilala ang nasabing biktima na si Irish Bago, 30, nagtratrabaho sa Pinares restaurant at tubong Taguig City. Ayon sa salysay ng mga kasamahan nito nag iinuman umano sila kasama ang kanyang kaibigan at condominium unitmate na si Garry Magleo Tamayo, 46, ng umaga ng Biyernes , subalit umalis ang nasabing biktima dakong 2.p.m.upang umidlip diumano.

Ngunit sa imbestigasyon ng Baguio City Police Office ang biktima diumano ay kinausap si Jay Gomez Ponce isang unit owner sa nasabing condominium na kung maari ay makausap nito ang kanyang exgirlfriend, subalit hindi pinagbigyan ni Gomez ang pakiusap ni biktima dahil sa lasing na ito sa alak.

Napag-alaman pa na bago pa lumundag ang biktima ay tinawag pa umano it0 ng kanyang mga kasamahan sa kanilang unit upang kumain na ng dinner subalit hindi umano ito sumasagot sa kanilang paganyaya sa pagkain, ayon kay p/Col. Allen Rae Co, hepe ng BCPO.

At habang kumakain umano ng hapunan ang mga kasamahan nito nakarinig sila ng isang malakas na pagbagsak sa isang puno at mga paso ng halaman sa kanilang veranda mula sa ika-8 palapag ng nasabing condominium.

Dahil sa nasabing pangyayari tinawagan umano ng isang nagngangalang Anthony Vera Boac ang sekyu ng condo at ng sila ay tawagan sinabi nito na may isang taong nakasabit sa isang puno mula sa ibaba.

Nang dumating na ang mga pulis at bumbero na nagbaba ng bangkay ni Bago dito nila nakilala na siya ang ang lumundag sa cono. Ayon kay Ponce madalas umanong nakatulala si bago at sinasabi nito ang kanyang problema sa kanyang ex-girlfriend nitong mga nakaraang araw.

Isinugod ng mga pulis ang nasabing biktima subalit patay na ito ng dumatting sa ospital.

Ace Alegre/ABN

Amianan Balita Ngayon