Kampanya kontra pandaraya sa public market, palalakasin sa Dagupan

LUNGSOD NG DAGUPAN – Naglagay ang pamahalaang lungsod ng apat na weighing scales, karaniwang kilala bilang Timbangan ng Bayan, sa iba’t ibang palengke dito upang palakasin ang kampanya kontra sa unscrupulous vendors.
Ayon kay Mayor Belen Fernandez na ang pagse-set up ng weighing scales ay bahagi ng proyektong Tamang Timbang, Tamang Presyo at Tamang Sukli, na inilunsad noong nakaraang buwan. Sa ilalim nito ay sinimulan na ng Task Force Anti-Littering ang magkumpiska ng mga weighing scales na pag-aari ng mga nagtitinda na nandaraya sa kanilang mga customer.
Ang hakbang ay alinsunod sa City Ordinance 1860 series of 2006 o ang Revised Market Code of Dagupan.
“We put up some timbangans in the Malimgas Public Market, Makong Market, Consignacion, and in Galvan Street – one timbangan for each marketplace; to ensure that the people get the exact weight of what they bought,” ani Fernandez.
Samantala, plano ni Fernandez na ipatupad ang identification system sa mga nagtitinda sa lungsod upang higit pang padaliin ang pagmomonitor ng pamahalaang lungsod kontra sa mga nandaraya sa public market. A. PASION, PNA

Latest News

Amianan Balita Ngayon