Kapulisan nag-ambag para sa biktima ng flashfloods sa Banaue

LAGAWE, Ifugao – Bukod sa working force na isinagawa ng kapulisan para linisin ang makapal na putik na dulot ng mudfloods sa bayan ng Banaue, ay nagkaisa ang mga tauhan ng Ifugao Provincial Police Office na mag-ambag bilang cash assistance para sa mga biktima ng fashfloods at ladslides.
Sa pinaiiral na Oplan Binnadang, personal na iniabot ni Col. James Mangili,provincial director ang cash donation na P197,700.77 kay Banaue Mayor Joel Bungalon,noong Hulyo 18. Ang Binnadang ay isang Kankana-ey na termino para sa kooperasyon. Maaari rin itong magkasingkahulugan ng salitang Tagalog na “bayanihan”, na tumutukoy sa diwa ng pagkakaisa ng komunidad, paggawa at pagtutulungan upang makamit ang isang partikular na layunin.
Ayon kay Lt. Lorna Butac, IPPO information officer, napagkaisahan ng kapulisan na mag-ambag para makatulong sa mga biktima na nasira ang bahay sa landslides dulot ng flashfloods na nagsimula noong Hulyo 7 at patuloy itong nararanasan tuwing bumubuhos ang malakas na
ulan.
Bukod sa cash assistance, nagbigay di si Mangili ng 21 pares ng rain boots sa municipal government upang magamit ng mga empleyado na patuloy na nagsasagawa ng clearing operations.
Ayon pa kay Butac ang grupo ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) Ifugao Chapter ay nagbigay din ng 31 bags ng assorted vegetables donated mula sa kanilang miyembro sa bayan ng Tinoc at kanilang nakolektang monetary donation in the amount of P10,750 bilang konribusyon para sa “Oplan Sagip Kapamilya” na isang fund drive na isinagawa ng Youth Mobile Force Cordillera in partnership with RMFB 15,
Sangguniang Kabataan Ifugao and KKDAT Ifugao Chapter, para sa mga biktima ng trahedya.
Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon