KARAPATAN AT BENEPISYO NG MGA KABATAAN ISINUSULONG-CSWDO

BAGUIO CITY

“Every Filipino child matters and it is high time that we work as one to eradicate any form of abuse, violence, exploitation or anything that will negatively impact them.” Ito ang mariin na na idineklara ni Cynthia Langagan, acting chief ng tanggapan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) sa ginanap na pag-alala sa 31st National Children’s Month na pagdiriwang noong nakaraang Lunes Nobyembre 6 , 2023 matapos ang flag raising ceremony sa harap ng City Hall.

Ayon kay Langagan Malusog na bata o kabtaan ang dapat na tutukan ng bawat pamilya at pamahalaan dahil aniya may karapatan ang bawat bata na magkaroon ng maayos, malinis at malusog na buhay at kapaligiran. Ang tema ng selebrasyon sa taong ito at ang ‘Healthy, nourished, sheltered: Ensuring the right to life for all!’ Mariin din niyang sinabi na dapat pangalagaan ng
gobyerno at ng mga kawani ng gobyerno na natoka sa pamgangalaga sa mga bata at dapat aniyang isulong mga mga karapatang ito.

Idinagdag pa niya na dapat pagtutunan ng pansin ang pagbibigay ng masustansyang pagkain at
tamang paghubog na maging mabuti silang bata upang pagdating ng takdang panahon ay sila naman ang mamumuno sa ating lipuna at gobyerno. Dagdag pa niya na dapat magkaroon ng mga pulisiya , programa at mga mekanismo upang pangalagaan ang katapatan kasaganaan ng mga
kabataan.

“As we kick-off National Children’s Month, we are reminded of the value of promoting children’s welfare. It is our dream to see them happily attending school, playing with their friends, being healthy, and having dreams of helping their family and community when they grow
up”, mariing tugon ni Langagan.

Gaby B. Keith

Amianan Balita Ngayon