Karpintero, aksidenteng nakuryente

Nagtamo ng third degree burn ang isang karpintero matapos itong makuryente sa ipinapatayong SM-Baguio Expansion, Luneta Hill, Baguio City noong Pebrero 18, 2018, bandang 9:45am.
Ang biktima ay kinilalang si Jovy Pa-ay, 21 anyos, tubong Panam-Angan, Bais Negros Oriental at kasalukuyang naninirahan sa nabanggit na construction area.
Ayon sa imbestigasyon, matapos labhan ng biktima ang kanyang mga damit, nagpunta ito sa powerhouse kung saan matatagpuan ang mga transformers.
Isasabit sana ng biktima sa sulok ang kanyang mga damit upang patuyuin ngunit aksidenteng nasagi nito ang live wire.
Natumba ang biktima at sa kabutihang palad, nakita ng kanyang kasama ang nangyari at kaagad na tinawag ang safety engineer na si Claro Gayasco at agad dinala ang biktima sa Baguio General Hospital Medical Center.
Iniulat sa pulisya ang insidente bandang 10:15am ng isang guwardiya ng BGHMC.
Ayon naman sa pulisya, ang biktima ay dinala sa operating room upang malapatan ng medikal na atensyon. PAULO GREG BENITEZ, UB Intern

Courtesy call

Amianan Balita Ngayon