KASANDAGAN CLASS NAGSAGAWA NG OUTREACH ACTIVITIES SA KANILANG 5TH ANNIVERSARY

BAGUIO CITY

Nagkaisa ang mga miyembro ng Public Safety Basic Recruit Course (PSBRC) Class 2018-01 Kasanga’t Sandigan na may Dangal at Angking Galing na Namumukod Tangi (KASANDAGAN) na
ipagdiwang ang kanilang 5th anniversary sa police service sa pamamagitan ng pagsasagawa ng sabay-sabay na outreach activities sa siyudad ng Baguio at mga lalawigan ng Abra at Apayao.

Sa Baguio City, ang mga miyembro ng klase na nakatalaga sa iba’t ibang unit ng Baguio City Police Office ay nagbigay ng cash assistance at grocery packs sa mga pamilya ng bagong silang na kambal na namatay ang ina matapos silang ipanganak, isang cancer patient, at isang 5 -buwang gulang na batang lalaki na dumaranas ng congenital heart disease.

Sa Abra, matagumpay ding naisagawa ang outreach activity ng mga miyembro ng klase sa Barangay Poblacion, Danglas, na kung saan 62 senior citizens ang nag-avail ng libreng serbisyo tulad ng masahe, manicure, pedicure, at gupit. Gayundin, ang iba’t ibang grocery items at meryenda ay
ipinamahagi din sa mga benepisyaryo.

Samantala, sa Apayao, nagsagawa rin ng feeding at gift-giving activity sa Dona Loreta Elementary School sa Pudtol. Ang mga miyembro ng klase ay namahagi ng mga school supplies sa 27 kindergarten pupils at nagbigay ng cash assistance at grocery packs sa isang mahihirap na pamilya.

Ang mga aktibidad sa outreach ay isang taunang tradisyon para sa mga opisyal ng pulisya sa pagdiriwang ng kanilang anibersaryo ng klase. Dagdag pa, ang lahat ng pondo na ginamit para sa mga aktibidad ay nagmula sa kanilang mga personal na bulsa bilang isang paraan upang maibalik ang serbisyo publiko sa komunidad, lalo na sa mga nangangailangan.

TFP/ABN

Amianan Balita Ngayon