MALASIQUI, Pangasinan
Nakapagtala ang Pangasinan Provincial Health Office (PHO) ng 7,285 dengue cases nitong Nobyembre 18, mas mataas ng 146.36 porsiyento mula sa 2,957 kaso na naitala sa parehong panahon noong nakaraang taon. Sinabi ni Department of Health – Ilocos Region (DOH-Ilocos) medical officer na si Dr. Rheuel Bobis, sa isang panayam nitong Miyerkoles, na inaasahan ang pagtaas ng bilang ng mga kaso dahil sa pagbaha na dulot ng ilang sama ng panahon.
Karamihan sa mga kaso ng dengue ay naitala noong Agosto sa 2,812, habang ang pinakamaraming bilang ng
apektadong age-group ay ang lima hanggang siyam, at 10 hanggang 14 taong gulang. Ang nasa ilalim ng watch list ng PHO ay ang lungsod ng San Carlos at ang mga bayan ng Lingayen, Bayambang, Bugallon, Urbiztondo, Basista, Calasiao, Malasiqui, Binmaley, at Mangatarem. “Dahil sa malawakang pagbaha kaya dumami (ang) breeding sites, kaya tumaas (ang) exposure ng ating mga kababayan lalo na sa Pangasinan na marami (ang) population. Expected na tataas cases after bagyo”, aniya.
Ang mga nasawi sa dengue ay tumaas din sa 36 sa parehong panahon mula sa 20 noong nakaraang taon. Hinimok ni Bobis ang publiko na agad na pumunta sa mga medikal na pasilidad kapag nakaranas sila ng mga sintomas ng dengue tulad ng mataas na lagnat sa loob ng ilang araw, matinding sakit ng ulo, pananakit ng likod ng mata,
pagduduwal, pagsusuka, at pantal upang maiwasan ang pagkakaroon ng matinding komplikasyon. Aniya, ipinag-utos na ng DOH ang pag-activate ng dengue fast lanes sa mga ospital para ma-accommodate ang mga infected na
indibidwal.
Sinabi ni Bobis, ang mga Provincial Health Offices, Municipal Health Offices at Regional Health Units ay nabigyan ng anti-vector borne disease commodities tulad ng sprayer, misting machine, at insecticide upang makatulong na matugunan ang tumataas na bilang ng mga kaso. Patuloy na isinusulong ng DOH ang 4S – – paghahanap at
pagsira sa mga lugar ng pag-aanak ng lamok, humingi ng maagang konsultasyon, mga hakbang sa pagprotekta sa
sarili, at pagsuporta sa pag-spray o fogging sa mga lugar na may clustered cases – – upang maiwasan ang mga kaso ng
dengue. “Dapat nating ipatupad ang mga hakbang sa pag-iwas upang maiwasan ang karagdagang pagtaas,” dagdag
ni Bobis.
(HA-PNA Ilocos/PMCJr.-ABN)
December 8, 2024
December 8, 2024
December 8, 2024
December 8, 2024