“Katayan” isinara sa dami ng matadero na positibo sa COVID-19

BAGUIO CITY – Pansamantalang isinara ang City Abattoir o’ ang katayan ng mga hayop sa Slaughter compound ng Barangay Sto.Nino, makaraang 29 workers at empleyado ng City Veterinary and Agriculture Office (CVAO), ang nag-positibo sa coronavirus disease (COVID-19).
Sa kabuuang 103 workers na kinabibilangan ng 63 butchers at 43 empleyado ng CVAO ang sumailalim sa swab test noong Setyembre 21, matapos ang pagtaas ng bilang ng kaso mula sa ilang matadero na naunang na-detect na nakahawa sa kanilang mga contact.
Sa resulta ng swab test na lumabas noong Setyembre 24, ay 23 matadero ng City Abattoir at 6 empelyado ng CVAO ang nag-positibo sa COVID-19, na dumagdag sa kabuuang 52 kaso ng siyudad noong Setyembre 24.
Sa 23 matadero ay 14 ang naninirahan sa Slaughter compound.
Ang Barangay Sto Nino-Slaughter ay may kabuuang 52 kaso ng COVID-19 sa kasalukuyan, ay nagsimula noong Setyembre 14,16 at 18. Agad na isinailalim ni Mayor Benjie Magalong ang barangay on hard lockdown noong Setyembre 25 at pagsuspinde sa operasyon ng City Abattoir sa loob ng 15 days para isagawa ang disinfection, contact tracing at pagsasagawa ng expanded testing sa mga residente na na naging contact.
Ayon kay CHSO officer Dr. Rowena Galpo, karamihan sa mga kaso ng COVIG-19 ay nagmumula sa households na nagpapatunay na may kasalukuyang aktibong local transmission sa lungsod.
Ang clustering of cases ay naobserbahan sa iba’t ibang barangay na ngayon ay isinailim sa areas of concern ng health department.
Siniguro naman ni Magalong sa publiko na ang lahat ng city’s virus control measures pursuant to the PDITR (Prevent, Detect, Isolate, Treat, and Reintegrate) strategies embodied in the National Action Plan 2 ay nasa maayos na pagpapatupad para mapangalagaan ang sitwasyon.
Karagdagang contact tracing teams ang ipinakakalat para sa implementasyon ng contact tracing, disinfection, isolation, quarantine, testing at medical interventions.
Zaldy Comanda/ABN
 

Amianan Balita Ngayon