KAWALAN NG PONDO SA SK SPECIAL ELECTION, DININIG SA KONSEHO

BAGUIO CITY

Limitadong pondo at kawalan ng budget, ilan lamang iyan sa naging usapan para sa isinisulong na Special Election ng Sangguniang Kabataan nitong nakaraang pagdinig sa city council, noong Pebrero 26. Matatandaan, ipinasa ang
resolusyong ito sa Sannguniang Panlungsod ni Sangguniang Kabataan (SK) Federation President John Rhey Mananeng, na humihiling ng halalan sa SK sa lungsod ng Baguio upang mapunan ang mga bakanteng pwesto sa SK sa mga barangay. Ang resolusyong ito ay naglalayong punan ang mga bakanteng posisyon sa SK matapos ang magkasabay na Barangay at SK Elections na ginanap noong Oktubre 30 ng nakaraang taon matapos itong pinangasiwaan ng Commission on Elections (COMELEC).

“First and foremost, we are dubbed as the Education Center of the North, meaning we are catering a lot of students,
we are catering a lot of youths that’s the reason why we should have a formal representative in all local government, especially in our barangays,” pahayag ni Mananeng. Ayon sa mga probisyon ng Republic Act No. 10742, o ang
Sangguniang Kabataan Reform Act of 2015, ang mga bakanteng pwesto sa SK ay dapat na mapunan kaagad upang matiyak ang pagpapatuloy ng lokal na pamamahala at maging ang aktibong partisipasyon ng mga kabataan lalo na sa mga aktibidad na nagsusulong ng kanilang karapatan.

“77 out of 100 barangays need the conduct of special election,” ayon kay Atty. John Paul Martin, COMELEC-Baguio
Election Officer. Ilan sa mga naging problema sa pagdinig nitong nakaraang public session ay ang panggagalingan ng budget para sa eleksyon sapagkat limitado lamang ang budget ng SK at COMELEC at nakalaan na ito sa mga iba pang aktibidad. Ayon sa datos na ibinahagi noong nakaraang public session, sa 128 barangay sa lungsod, 51 lamang na barangay ang may kompletong myembro ng SK, 61 na barangay naman ang hindi kompleto ang myembro ng SK, habang 16 na barangay ang kasalukuyang walang SK chairperson at SK members.

Dagdag pa ni Mananeng, kailangan ang pagsasagawa ng espesyal na eleksyon upuang matuguna ang mga bakanteng
pwesto sa SK, at upang maitaguyod ang mga prinsipyo ng pakikilahok ng mga kabataan sa lokal na pamahalaan.
Nilinaw naman ni Martin na hindi lamang ang lungsod ng Baguio ang may problema sa pagkompleto ng mga SK,
bagkus ito rin ang kinakaharap ng ibang mga lungsod.

Almira Mia P. Marasigan/UBIntern

Amianan Balita Ngayon