Kawani ng LTO timbog sa droga

Natimbog ang tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency-Cordillera ang isang traffic enforcer ng Land Transportation Office sa isinagawang buy-bust operation at nahulihan ng 2.5 gramo ng shabu, noong Setyembre 11 sa may Suello Village, Sto. Tomas Proper, Baguio City.
Kinilala ni PDEA Regional Director Gil Castro, ang suspek na si Ginno Manolo Castillo Banta, ,30, ng Fatima St. Bayan Park Aurora Hill, Baguio City at empleyado ng LTO-Cordillera. Ayon kay Castro, is Banta ay nasa talaan bilang High Value Target (HVT), na matagal ng sinusubaybayan kaugnay sap ag-iingat nito ng iligal na droga.
Pinangunahan nina PDEA Investigation Agent Seymour Sanchez at Renier Tinong,kasama ang tauhan ng Station 10 ng Baguio City Police Office, CIDG- Mt. Province PFU at City Drug Enforcement Unit sa conducted buy-bust operation dakong alas 10:30 ng umaga ng Biyernes.
Nakuha sa kanya ang isang heat sealed transparent plastic sachet shabu (subject of sale) na may timbang na 2.0 grams; isang heat sealed transparent plastic sachet ng shabu na may timbang na 0.5 grams na may kabuuang halaga na P17,000; boodle money; black sling bag, isang android phone, isang black metal case containing unused foils, one glass pipe, isang small gray scissor at isang LTO ID card.
Ayon kay Castro pinaiimbestigahan niya ang previous drug case ni Banta kung bakit nabigyan ito ng parole at nakapasok sa LTO. Samantala, ayon naman kay LTO Regional Director Francis Almora, si Banta ay job-order employee at drayber ng ahensya.
Hindi umano alam na siya ay nahuli na noong 2017 at nasa parole status. “When he applied, the chief parole officer recommended that he will be given the chance to reform.
That is why he was employed. Anyway, his apprehension is not in any way related to his duties and responsibilities in the LTO and the PDEA had been coordinating with us regarding their surveillance of the subject,” pahayag pa ni Almora.
Zaldy Comanda/ABN
 

Amianan Balita Ngayon