Kilusan ng NPA, umiigting sa CAR at Ilocos Sur

Sep 30, 2017

LUNGSOD NG BAGUIO – Nagresulta sa pagkakumpiska ng mga gamit pandigma at pagsuko ng isang rebelde ang magkakaibang pag-atake kamakailan ng mga kasapi ng New Peoples Army (NPA) sa Kalinga at Abra sa Cordillera at Salcedo sa Ilocos Sur.
Inatake ng mga komunistang gerilya ang isang detachment ng Civilian Armed Forces Geographical Unit (Cafgu) sa bayan ng Bucloc sa Abra noong hapon ng Setyembre 27.
Ayon kay Diego Wadagan, tagapagsalita ng Agustin Begnalen Command ng NPA sa Abra, ang naturang pag-atake ang kanilang ambag sa utos ng NPA national command na magsagawa ng mas maraming taktikal na opensiba laban sa gobyerno at bilang pagpataw ng parusa sa 24th Infantry Battalion ng Philippine Army at sa grupo ng Cafgu dahil sa kanilang “blood debts” sa mga Abrenian.
Ang mga rebelde ay lumapit sa naturang detachment sa Barangay Labaan at nagpaputok ang mga ito bago agad na umatras, ani Wadagan.
Sinabi ni Wadagan na kabilang sa “blood debts” ng mga sundalo at paramilitar na inatake nila ay ang pagbomba sa mga komunidad noong nakaraang taon na nakaapekto sa buhay at kabuhayan ng mga residente lalo na sa kanilang mga pananim.
Dagdag pa ni Wadagan, ang Cafgu detachment ay nasa loob ng isang pamayanan na isang paglabag sa International Humanitarian Law.
Samantala, sumuko ang isang kasapi ng NPA sa Kalinga noong Setyembre 24 matapos na diumano ay masugatan ito dahil sa pagguho ng lupa sa Gaang Gold Mining sa bayan ng Balbalan.
Ayon kay Police Chief Superintendent Elmo Francis Sarona, director ng Police Regional Office-Cordillera, si Joseph Lumaday Masadao, kilala rin bilang “Ka Ronald”, 53, single, residente ng Sitio Ubel, Gawaan, Balbalan, Kalinga, ay humingi ng tulong mula sa mga opisyal ng barangay.
Matapos na makunbinsi ng mga opisyal ng barangay, si Masadao ay boluntaryong sumuko upang maipagamot ang natamong pinsala sa katawan.
Dakong 4pm ng naturang araw, ang dating rebelde ay tinanggap ng pinagsanib na miyembro ng Balbalan municipal police office, Regional Public Safety Battalion at ng 50th Infantry Battalion.
Agad itong dinala sa Western Kalinga District Hospital at kalaunan ay inilipat sa Kalinga Provincial Hospital sa Tabuk City.
Ani Sarona, sinabi ni Masadao na kasapi ito ng Milisyang Bayan (MB) sa ilalim ng Marcial Dagay na may operasyon sa Kalinga at kalapit na probinsiya.
Ang dating rebelde sa ngayon ay napasailalim sa proteksyon ng hukbo ng gobyerno upang masiguro ang kanyang seguridad at maiproseso ang mga benepisyo at pinansyal na tulong para makapagbagong-buhay ito.
Sa Rehiyon1, nasamsam ang magkakaibang kagamitan ng mga rebelde na kinabibilangan ng mga dokumento, mga bala, bandolyer, isang sako ng mga damit at gamit pangluto sa operasyon ng hukbo ng goyerno noong Setyembre 25 (Lunes), makaraan ang pakikipaglaban sa mga NPA sa Salcedo, Ilocos Sur.
Noong Linggo ng hapon, ang miyembro ng 81st Infantry Battalion ay nakipagsagupaan sa tinatayang 15 na rebelde sa loob ng 30 minuto sa barangay Madarang at nakuha ang isaang M653 Rifle, dalawang rifle grenades, tatlong Improvised Explosive Devices (IEDs), isang binocular, 50 metrong haba na kawad, isang ICOM radio na may dalawang charger, mga dokumento, personal na kagamitan, at ilang gamit sa panggagamot.
Iniwan ng mga tumakas na rebelde ang mga naturang gamit pandigma, ani Lt. Col. Eugenio Julio Osias, komander ng 81IB.
Isang sundalo ang bahagyang nasugatan, pag-amin ni Osias.
May mga nakita ring mga bakas ng dugo na nagpapahiwating na ilang rebelde ay maaaring nasugatan o namatay ngunit binuhat ng mga kasamahang rebelde nang umatras ang mga ito, ayon pa rin sa komander.
Sinabi ni Osias na ang mga residente ang nag-ulat sa presensya ng mga rebelde sa kanilang lugar dahil diumano ay nagsasawa na ang mga ito sa paulit-ulit na pangingikil ng mga rebelde.
“For almost 6 months now, we have been tracking them down, monitoring their movements and made coordination with the local residents that they have disturbed. This is the third encounter since July, and this is a clear manifestation that the community is with us in ending the problem of insurgency in Ilocos Sur,” ani Col Henry Robinson Jr., komander ng 702nd Brigade.
Nakiusap naman si Osias sa lahat ng sektor, lalo na ang mga lokal na opisyal, na makipagtulungan sa mga hukbo ng gobyerno. “It is not just us, the Army, that will solve this insurgency, but all of us. What we are doing is not for our own selves but for the people of Ilocos Sur, and the Filipino people, as a whole.” May ulat sina ACE ALEGRE at LIZA AGOOT / ABN

RELATED POSTS

AMIANAN POLICE PATROL

2 Male minors arrested for possession of illegal drugs and airsoft guns Two minors involved in a commotion were arrested after they were...

HEARING AID

HEARING AID

DOH-Ilocos Region Chief of Local Health Support Division Jimuel S. Cardenas, hearing aid recipient -Ryan K. Palacay, Regional Director...

LATEST NEWS

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

Affirming the Provincial Government of La Union’s support to the Philippine National Police’s commitment in securing a peaceful and orderly province, Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David graced the 121st Police Service Anniversary celebration of the La Union...

DEVELOPERS MEET, DISCUSS SOLUTIONS FOR THE COUNTRY’S HOUSING INDUSTRY

As of 2017 , housing backlog estimated at 6.7 million ; developers target building two million for 2022 Every Filipino family aspires owning a home. Years, the Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA) has relentlessly been trying to make that dream...

FACE MASK BOLUNTARYO NA ANG PAGGAMIT SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Sa mga naasiwa na sa paggamit ng facemask ay nagbigay na ng signal si Mayor Benjamin Magalong at ang city council sa pamamagitan ng naaprubahang resolusyon na puwede ng hindi mag face mask o’ boluntaryo na lamang ang paggamit nito sa mga outdoor setting...

ADOPTED SON

ADOPTED SON

Iginawad ng provincial government ng Kalinga ang mataas na pagkilala kay PNP Chief Gen.Rodolfo Azurin,Jr., bilang adopted son ng Kalinga at pinangalanang "Inchakas" sa kanyang pagbisita sa lalawigan noong Setyembre 15, Photo by Kalinga PPO/ABN

MANNALON TI ILOCOS NORTE AGAPIT MANIPUD RICE HYBRID PROJECT

SUIDAD TI LAOAG, Ilocos Norte-Dagiti mannalon a nalipaset iti maysa a 160- hectare hybrid rice cluster technology demonstration project sadiay Ilocos Norte ket agapiten iti mulada inton sumaruno a lawas. Ipalgak dagiti nadumaduma a teknolohia ti panangpataud iti bagas...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest