Kongresman ng Baguio umaasa sa pagtango ng Senado sa arts school bill

LUNGSOD NG BAGUIO – Nagpahayag ng pag-asa si Baguio Representative Mark Go na ang panukalang batas na lilikha ng isang paaralan para sa sining sa lungsod ay maipasa sa Senado sa madaling hinaharap.
Ito ay nang aprubahan ng House of Representatives sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill (HB) 10556 na lilikha sa Baguio City High School for the Arts, na inaasahang hasain ang mga may talentong magaaral sa lungsod at pagyamanin ang kanilang malikhaing mga talento.
Sinabi ni Go sa isang panayam sa telepono noong Huebes (Disyembre 16) na ang pag-apruba sa panukalang batas sa mababang kapulungan
ay isang mahalagang pangyayari para sa Lungsod ng Baguio, na kilala sa pagkakaroon nito ng malakas na tradisyung kultural at mataas ang pagpapahalaga sa industriya ng paglikha.
Sinabi niya na magbibigay ito sa paaralan ng isang daan para sa may talentong kabataan sa Baguio at sa mas malawak na Hilagang Luzon upang hasain at itaguyod ang malikhaing ekspresyon.
“Culture and the arts are essential to the holistic development of society. As such, it is important to inculcate in the youth the value of the arts, to give them an avenue for their creative pursuits, and to introduce them to real-world opportunities in the creative sector,” aniya.
“This would support the city’s commitment to upholding its creative and cultural traditions and providing sustainable livelihood to its local artisans,” dagdag niya.
Ang Lungsod ng Baguio ay naging kauna-unahang lungsod sa Pilipinas na inilkuklok sa United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) Creative Cities Network noong 2017, na kumikilala sa mga lungsod na may mayaman na pamanang kultural, at kinikilala ang pagkamalikhain bilang isang pangunahing salik sa pag-unlad ng kanilang kalunsuran.
Sinabi ni Go na ang isang pormal na academic institution na nakatutok sa sining ay makakatulong na tiyakin ang pang-matagalang pagpapanatili sa sektor ng paglikha, kaugnay sa United Nations’ Sustainable Development Goals.
Ang lungsod ng mga pino ay tahanan ng aktibong creative tourism at artistic community kung saan matagal ng residente sina National Artist Benedicto “Bencab” Cabrera at tanyag na director Kidlat Tahimik.
“Apart from renowned Filipino artists, there are many up-and-coming young artists from various fields of traditional and contemporary art who also hail from Baguio,” dagdag ni Go.
Sinabi ni Go na sa oras na malagdaan na maging batas ito, ang paaralan at pamamahalaan at pangangasiwaan ng Department of Education (DepEd), na may koordinasyon sa National Commission for Culture and the Arts (NCCA) at ang Cultural Center of the Philippines (CCP).
Magbibigay ang NCCA at CCP ng policy direction at technical assistance sa paaralan sa pamamagitan ng DepEd-Cordillera Administrative Region office at Baguio City Schools Division Office.
(LA-PNA/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon