Konsehal sa La Union at apat pa inambush sugatan

BALAOAN, La Union – Sugatan ang isang reelectionist municipal councilor at apat pang kasamahan nito, matapos ambusin ng di-pa nakikilalang mga suspek noong Biyernes ng gabi sa Barangay Nagsabaran, Balaoan, La Union.
Kinilala ni Police Captain Juanito Buaron, Jr., chief of police ng Balaoan Municipal Police Station ang biktimang si Municipal Councilor Rogelio Concepcion ng Barangay Nagsabaran at kandidato sa pagka-konsehal.
Naganap umano ang pananambang sa grupo ng biktima dakong alas 8:20 ng gabi habang patungo ito sa isang kampanya, kasama sina Christian Estrada, 30; Bernabe Ordinario, Sr., 47; Teodorico Magleo, 43; at Mark Francis Arciaga, 20.
Nagtamo umano ng bala si Concepcion sa hita, samantalang ang mga kasamahan nitong ibang kandidato ay nagtamo rin ng minor inhuries sa kanilang mga katawan.
Matatandaan noong Nobyembre 14,2018, sa unang pagkakataon ay nabulabog ang tahimik na pulitika sa bayang ito, makaraang ambusin at mapatay si Vice Mayor Al-fred Concepcion at security escort nitong si Mike Ulep. habang sugatan naman ang anak nitong Mayor.na si Aleli Concepcion.
Ilang buwan bago ang pananambang kay Concepcion, ay unang napatay sa ambush si Mayor Alexander Buguing ng Sudipen,La Union.
Ang mga naganap na ambush at pagpatay sa mga biktima ay masusing ini-imbestigahan ngayon ng pulisya.
Samantala nanawagan naman ang mga residente ng La Union, mga non-government organization, at mga religious group na panatilihin ang kapayapaan sa darating na eleksyon sa Mayo 13, 2019.
 
Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon