KONSEHO NG BAGUIO UMANGAL SA PAGLIPAT NG P89.9B PONDO NG PHILHEALTH SA NATIONAL TREASURY

LUNGSOD NG BAGUIO

Tinutulan ng Baguio City Council ang paglipat di umano ng pondo ng PhilHealth na nagkakahalaga ng P89.8 bilyon
sa Natiuonal Treasury ito ay upang magkaroon pa ng expansion umano ng pagbibigay ng PhilHealth care sa ibang miyembro. Dahil dito ay nagpasa ng isang Council Resolution na kung saan ay mariin nila itong tinututulan na ilipat ang surplus na pondo sa tanggapan ng National Treasury. Ang nasabing resolution ay pinangunahan ni Councilor Betty Lourdes Tabanda na kinatigan naman ng mga kasama niyang konsehal na unanimously approved noong nakaraang Setyembre 16,2024.

Ang nasabing approved resolution ay agad na ipinasa sa tanggapan ni Mayor Benjamin Magalong upang ito ay kanyang lagdaan. AT kapag nilagdaan na ito ni Mayor Magalong ito ay magsisilbing opisyal na dokumento upang maging gabay na paninindigan ng Lunsod ng Baguio. Sa nasabing resolution nakasaad dito na “ The resolution states that transferring these funds will compromise the ability of PhilHealth to provide healthcare services especially to poor patients and that these funds could have been used to expand health benefits and improve access to quality healthcare for all Filipinos”.

Sa naganap na council session sinabi ni Dr. Dominga Gadgad, Regional Vice President of PhilHealth-CAR, na ang paglipat ng nasabing pondo ay legal di umano dahil ito ay suportado ng “legal opinions” ng mga government agencies gaya ng Cpmmission on Audit , Govrnance Commission for GOCCs at ng tanggapan umano ng Government Corporation Counsel. Subalit ayon sa paliwanag ni Tabanda, sinabi niya na sa ilalim umano ng Universal Health Law na “no portion of the reserve fund or its income should go to the national government’s general fund or any of its
agencies”.

Tinanong din ni Tabanda kung bakit hindi nagbibigay ng comment o di pangsang-ayon ang PhilHealth sa nasabing circular na nagbibigay ng mandate sa paglipat ng poondo sa National Treasury. Ayon naman kay Gadgad n agad naman niyang niliwanag na ang pondo ay “unused” at “unutilized” at hindi ito “reserve fund”. Ipinaliwanag din ni Gadgad na “ the transfer was done following a Department of Finance circular that mandates unused funds to be remitted to the Bureau of Treasury and that this procedure follows financial transparency requirements as per the General Appropriations Act (GAA) of 2024”.

Idinagdag pa niya na ang surplus na pondo ay dahil sa “unused” fund na galing sa mga contributor noong taong 2021 at 2023 na umabot sa P239.1 bilyon na kung saan ay umabot lamang sa P149.2 bilyon ang nagamit sa mga benepisyari. Sa ulat ng PhilHealth na mula noong September 2024, ay nagkaroon ng remittance na P30 bilyon na
naisumite sa Bureau of Treasury sa magkasunod na dalawang tranches , una ay P20 bilyon noong May at P10 bilyon noong buwan ng Agosto. At ang huling remittance ay sa buwan ng Mayo sa taong 2025.

Sa panig naman ni Vice Mayor Faustino Olowan kanyang tinanong kung kailangan na ilipat ang nasabing malaking halaga ng pondo kung maaari namang gamitin lang health-related health services gaya ng mga under PhilHealth o maasring ilagay sa tanggapan ng Department of Health (DOH). Iminungkahi rin ni Olowan na maaari naman na i-aalocate ito sa health care needs ng mga taong bayan dito sa lunsod na marami ang nagangailangan ng health services na mga mahihirap na mamamayan.

Idinagdag pa ni Olowan na “ there might a possibility of PhilHealth running out of funds in the event of a large-scale health crisis, such as another pandemic. He stressed the importance of having sufficient funds to cover such emergencies”. Nagbigay din ng saloobin si Councilor Arthur Allad-iw na kung saan ay aniya “PhilHealth funds should be used for their intended purposes, which is healthcare, and not to be invested or redirected to other projects. He asserted that diverting PhilHealth funds to other purposes constitutes “technical malversation.”

PhilHealth’s Expanded Coverage, New Services Muli ipinaliwanag ni Gadgad na mapanded coverage na kanilang isinasagawa gaya ng pagdaragdag ng coverage ng dialysis , kaso ng mga biktima ng dengue at ang mga out patient services. Ani Gadgad ang PhilHealth ay may planong itaas ang pondo ng mga nagda-dialysis hanggang P6,200.00
sa loob ng 3 beses sa loob ng isang lingo at ang iba ay may rate na P30 percent sa ilalim ng ibat-ibang sakit na nasa
ilalim ng kalinga ng PhilHealth.

Jordan G. Habbiling/SP

Amianan Balita Ngayon