Konseho ng Benguet, nabagabag sa presensya ng CPLA

LA TRINIDAD, BENGUET – Nabahala ang konseho ng probinsiya sa diumano ay pangangalap ng grupo na Cordillera People’s Liberation Army (CPLA) ng kanilang kaanib sa Benguet, maging sa lungsod ng Baguio.
Sa kanilang session noong Lunes, Marso 19, sinabi ni Board Member Florencio Bentrez na bagaman ang nasabing grupo ay maaaring walang masamang intensyon ngunit nakakagulat kung paanong hinihikayat ng CPLA ang mga tao na sumali sa kanilang grupo.
Matagal na rin umanong binuwag ang CPLA kaya nakapagtataka na tumataas ang bilang ng kaanib sa grupo.
“I am not saying that these people are villainous, but then it is a concern of the people. We have the PNP and the military but then why do we have another group of military?” dagdag ni Florencio Bentrez.
Iginiit naman ni Benguet Vice Governor Florence Tingbaoen na kailangang malaman ang layunin at background ng grupo sa Provincial Peace and Order Council.
“It is still premature because what is their purpose in recruiting? They must have a purpose,” ani Tingbaoen.
Ayon naman sa Benguet Provincial Police na wala nang iba pang rason na ipagpatuloy ang grupo.
Sabi ni PSupt. Luisito Meris, provicial deputy director for operations ng Benguet PPO, na “bakit pa kailangang pumasok sa CPLA kung sa una pa lang ay wala silang rason para sumali sa grupo.” “What if their purpose is illegal?” dagdag pa nito.
Umaasa ang konseho para sa koordinasyon at kooperasyon sa awtoridad ng mga opisyal ng mga barangay at mga residente kapag ang mga recruiters ay nagpunta sa kanilang lugar. PAULO GREG BENITEZ, UB Intern / ABN

Amianan Balita Ngayon