KONSEHO TINANGGAL ANG DOBLENG PANININGIL NG BUWIS NG SEWERAGE

LUNSOD NG BAGUIO

Upang matiyak na hindi madodoble ang paniningil sa sewerage fees sa lunsod ay inameyendaha ng
Koseho ng Baguio ang Section 164 ng City Ordinance 18-2016 o mas kilalang Environment Code ng Baguio City. Ayon kay Konsehal Peter Fianza ang main author ng Ordinansa ay ginawa nila ang naturang amendment upang liwanagin at ipaalam na ang pangongolekta ng bayad ay nakasalalay sa aktuwal na mayari ng toilet o palikuran ng isang gusali.

Ani Fianza na mayroong mga pangyayari na nadodoble ang bayad ng mga building owner at ng mga tenant nito sa kanilang bayad sa sewerage. Na ungkat ang usaping ito noong Setyembre 5, 2022 na amyendahan ang naturang Ordinansa dahil na rin sa reklamo ng isang taxpayer na kung saan ay nadodoble diumano ang kanyang binabayaran. Paliwanag pa ni Fianza “ The owner and lessor of the RTF Building and the owner of Kurban Hotel who is a lessee in the said building had paid separate sewerage fees as seen in their respective tax assessments”.

Napag-alaman na ang mayari ng RTF Building ay binabayaran niya ang 21 na toilet sa buong building ayon na rin sa ipinag-uutos sa ilalim ng item B nof Section 163 of the Environment Code (lodging houses, dormitories and boarding houses ) samantalang ang umuupa naman ay na Kurban Hotel ay binabayaran naman diumano ay 19 toilets (hotels ,condominiums and hospital) Sa paliwanag ni City Treasurer Alex Cabarrubias wala umanong double taxation sa nasabing usapin dahil ang double taxation umano ay nakapaloob sa iisang entity na pinapatawan ng taxes dahlia mayroon aniyang magkahiwalay na taxpayer sa nasabing kaso ng RTF building.

Subalit hindi ito inaunan ng konseho na ayon sa kanila ay ang 19 na toilet ay ito rin ang parehong binabayaran ng may-ari ng building at binabayaran ng nangungupahang Kurban Hotel. Sinabi pa ni Cabarrubias na ang pagbabayad ng magkahiwalay na sewerage fees ng may-ari ng building at ng kanyang tenant ay inaayunan ng batas sa ilalim ng Section 164 of the Environment Code dahil sa paggamit ng conjunction na “and / or”.

Base sa paliwanag sa ilalim ng “Section 164 of the Code states, “The fees provided for in the
preceding section shall be levied and collected only from owners AND/OR administrators or
concessionaires of establishments, private residences, apartments, commercial buildings, et cetera, whose domestic waste or wastewater effluents, whether raw sewage or partially treated sewage, are
connected to the sewerage system of the city”, ayon kay Cabarrubias.

Sa panukala ng Konseho na alisin ang double taxation ay idinagdag nila sa parapo na “based
on actual use only once annually” after the phrase “…shall be levied and collected” and by removing
the words “and/or.”. At ngayon ang parapo na na isinaayos ay ganito na ang pagkakapaliwanang “The fees provided for in the preceding section shall be levied and collected based on actual use only once annually from owners, administrators, concessionaires and users of establishments, private residences, apartments, commercial buildings, et cetera, whose domestic waste or wastewater effluents, whether raw sewage or partially treated sewage, are connected to the sewerage system of

the city.” SP/Jordan G. Habbiling

Amianan Balita Ngayon