KONSULTA PLUS GUICONSULTA, UMAARANGKADA SA PANGASINAN

LALAWIGAN NG PANGASINAN

Patuloy ang arangkada ng Konsulta plus Guiconsulta program sa lalawigan ng Pangasinan, na maituturing na isang legacy ni Governor Ramon ‘Mon-Mon’ Guico,III, sa layuning mapaunlad at mabigyan ng mahusay na kalusugan sa may dalawang milyong mamamayan ng lalawigan. Ramdam na ramdam ng mga residente ng bawat barangay sa iba’t ibang bayan na naunang personal na tinungo ng Guiconsulta Team ay ipinakita ni Gov,Guico ang kanyang malasakit at pagmamahal sa mga kababayan, lalong-lalo na sa mga kapuspalad, na maihatid para ang serbisyong-kalusugan at iba pang mga proyekto tungo sa maulad na pamumuhay sa lalawigan.

“Kailangan talaga maramdaman ng bawat mamamayan ang serbisyo ng pamahalaang lalawigan ng Pangasinan, kaya naman ang ating mismong Gobernador, kasama ang iba pang opisyal, maging ang kinatawan ng Philhealth ang mismong naghahatid ng serbisyong pangkalusugan sa bawat barangay. Nakita natin ang totoong malasakit ng ating mga opisyal sa ngayon na mapakinabangan ng bawat tao ang benepisyo ng lalawigan at mga ka-partner natin sa
programang ito,” pahayag ni Dhobie de Guzman, chief ng Pangasinan Public Information Office.

Aniya, sa nakalipas na administrasyon, napakataas ng Philhealth Return to Hospital (RTH) at denied claims ng
labing-apat na ospital ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan. Pero sa ilalim ng liderato ni Gov. Guico ay malaki na ang ipinagbago at mas maayos na ang koleksiyon ng PhilHealth claims dahil bumaba ang halaga RTH at denied claims. “ Sa ngayon ay nasa libong Pangasinan residents ang naka-enrol na sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) Konsulta program ng lalawigan mula sa aprubadong ordinansa ng Sangguniang Panlalawigan, sa pangunguna ni Vice Governor Mark Lambino. Isa itong makasaysayang program ana ngayon lang naramdaman sa Pangasinan ”.

Ayon pa kay De Guzman, habang umaarangakada ang Guiconsulta program ay kasabay ang proyektong rehabilitation sa lahat ng ospital at paglalagay ng mga makabagong equipmet at aparato na pangunahing kailangan sa konsultasyon. Labis naman ang pasasalamat ni Nanay Angelita Garcia, residente ng Barangay Cabanbanan kay Governor Guico dahil sa mga tinanggap na libreng serbisyo, na gaya ng libreng check-up, libreng laboratory exam, at libreng mga gamot dahil sa Konsulta ng Philhealth at cash incentive. “Napakasarap sa pakiramdam bilang
Pangasinense na may isang gobernador na nagmamalasakit at nagmamahal para lahat tayo ay healthy,” tugon ng isang opisyal.

Ang GUICOnsulta ay isa sa mga pangunahing programa ng pamahalaang panlalawigan na may layuning mai-enroll ang mga Pangasinense sa Philhealth Konsulta upang magkaroon ng libreng konsultasyon, gamot, at laboratory tests.
“Priority ko ngayon itong Konsulta+GUICOnsulta dahil napakagandang program po ito. Ang programang ito ay
programang pangkalusugan. Among the 81 provinces in the entire Philippines, ang Pangasinan ang nangunguna sa paglalatag at paggawa ng programang ito,” pahayag ni Governor Guico. Hangad ni Gov. Guico na sa PhilHealth
Konsulta + GUICOnsulta program, Pangasinan ang magiging pinakamalusog na lalawigan sa buong bansa

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon