KONTRA DENGUE INILUNSAD SA LT

LA TRINIDAD, Benguet

Pinagtibay ng Municipal Health Services (MHS) ang kanilang kampanya kontra dengue, sa muling
pagsasagawa ng mosquito larval surveillance sa pangunguna ng Environmental Health and Sanitation section na sinimulan sa 16 barangay,noong Marso 21. Ayon kay Sanitary Inspector Shannon Barroy, isinasagawa ang surveillance upang tukuyin ang mga nakukuhang kiti-kiti o mga larval kung positibo ang mga ito sa mga partikular na sakit tulad ng dengue at chikingunya.

Ang ganitong paraan, ay makakatulong upang mapagplanuhan at mapaghandaan ang laban sa
mga vectors na ito. Aniya, karaniwang nakikita ang mga larval sa mga bagay na naimbakan ng tubig ulan, tulad ng mga lumang gulong, drums na walang takip, paso ng halaman, bote at iba’t ibang pang plastic containers na pwedeng ma imbakan ng tubig. Matatandaan na tumaas ang bilang ng kaso ng dengue sa bayan noong nakaraang taon.

Mula sa 670 noong 2021 ito ay umangat sa 1,867 at may naitalang limang namatay. Noong nakaraan taon, nangunguna sa may pinakamataas na kaso ng dengue ang La Trinidad, ang barangay Pico, na may na italang 360 na kaso at 252 naman sa barangay Balili. Tinitignan na rason ay ang mataas nitong population. “Ngayong 2023, zero pa naman ang kaso ng dengue” ayon kay Barroy. Kasabay ng survey, naganap din ang information education campaign na nagpapayo sa mga residente na alisin ang mga lalagyan na na imbakan ng tubig ulan at linisin ang kanilang mga lugar upang maalis ang mga pinamumugaran ng lamok.

Binigyang din ni Barroy na kailangan paigtingin ang information education campaign sa pag-iwas at pagkontrol sa pag-laganap ng dengue sa kani-kanilang barangay sa pamamagitan ng
pagkakaisa at pagtutulungan ng mga residente sa mga clean up drive upang mapanatili ng kalinisan sa kanilang komunidad at mas mapalakas ang paglaban kontra dengue.

Vina Pallar- UB Intern/ABN

Amianan Balita Ngayon