Kontrobersiya sa Bakuna…Lumala???!!

Daplis Walang Mintis

Mariakusina….sa halip na maampat ang kontrobersiya tungkol sa bakuna…lalo pa yatang lumala! Yan ang naging laman ng mga upakan hanggang sa sinusulat ang espasyong ire. Ang pinakamatindi ay yong upak ni Pres. Duterte na yong mga ayaw magpabakuna ay ipaaaresto.

Teka lang pards…bago natin husgahan ito…kilatisinmuna natin hane? Totoong may banta nga si Digong kamakailan na kanyang ipakukulong ang mga taong ayaw magpabakuna. Ito ang ilan sa binitawan niyang salita:

“Ang tigas ng ulo eh. Kaya pag….Don’t get me wrong. There is a crisis being faced in the country. There is a national emergency. Kung ayaw mong magpabakuna, ipaaresto kita. At ang bakuna ay galing…itusok ko sa puwet mo..put….Bwiset kayo.

Eh hirap na nga tayo tapos andiyan pa kayo napakaraming…” Talagang tone-tonelada ang bigat mga pards di ba? Peromadiin naman ang kanyang dahilan. Ayaw niya na dumami pa ang mabibiktima ni Covid-19 sa bansa. At sa bugso ng kanyang pagmamalasakit, pumilantik ulit ang kanyang dila. Kilala naman natin ang “dilang” yan ni Digong, di ba? Kaya lang marami ang sumakay at nagsibanat kontra sa kanyang mensahe.

Agad na bumira ang DOJ (Sec. Guevarra) at sinabing parang pananakot diumano ang banta ng pangulo at dagdag pa niya na walang batas na nagpipilit na magpabakuna ang isang Pilipino. Sumigunda naman ang kambiayada ni Spokesman Harry Roque. Ganun din ang templa na dapat daw ay may batas na basehan upang maaresto ang hindi magpapabakuna. Kung ating titimbangin, tama naman po sila, di ba?

Walang nga namang batas hinggil sa karapatang magpabakuna, sabi ngmarami. Pero sumundot ang tahimik na legal adviser ng pangulo na si Atty. Panelo at sinabing bilang pangulo, may karapatan siyang gawin ang naiisip niyang dapat upang maresolba ang krisis o matinding problema sa bansa.

Pagmamalasakit ang ibig niyang turan. In short….may karapatan ang pangulo na magbitaw ng salita na sa akala niya ay nararapat upang supilin ang gabundok na problema sa pandemyang ito. Simple lang naman ang naging posisyon ni DOH Sec. Doque: hindi mangyayari ang banta ng pangulo. Yon ay maituturing lang na “Figure of Speech”. Sa ganang amin, balikan na lang natin ang maraming kontrobersiyang sumingaw sa ngalangala ng ating pangulo simula pa noong nasa palasyo.Marami na.

Pero dikit sa sinabi ni Doque na “figure of speech” lang angmga yan. Sabagay kung ating balikan ang ilang kataga ng pangulo…ganire ang punto: “Kung hindi kayo magpapabakuna, umalis kayo sa Pilipinas. Go to India if you want or somewhere, to America,”! May pa siyang “joke” na “bakuna ng baboy” ang ipatuturok niya sa mga tumatangging magpabakuna. He he…alam nating lahat na hindi pupuwede ito.

Pero mabigat ang katuturan ng kanyang tapik – huwag matigas ang ulo. Para sa kaligtasan nating lahat ang pagpapabakuna. Sa katigasan
ng ulo…siento porsiyentong marami angmadadamay. Hindi matatapos ang pandemya sa ating bansa lalo pa’t may banta ang bagong variant “DELTA” na diumano’y galing India. Kaya sumatotal… labanan natin ang sakit na ito.

Sumunod sa lahat ng health protocol at batas para sa ating kaligtasan. Tapik naman natin sa mga pulitiko. Huwag sakyan ang isyu ng pagpapaaresto na sinabi ng pangulo.

Ang dapat sakyan ay ang katuturan ng pagmamalasakit sa panahong ito. Huwag na tayongmanulsol
pa para maka-epal o makilala dahil malapit na ang eleksiyon. Dapat tulungan natin ang gobyerno namag-isip kung ano ang mga dapat na hakbang kontra pandemya.

Ang masaklap, pina-pandemya na yata ang utak ng ilan nating mga pulitiko na kung ano-ano na ang upak para sila’y mapag-usapan o muling makilala.Tsk tsk…Pinoy talaga, hane? Malayo pa ang eleksiyon mga pards. Mas malapait tayo sa ating libingan dahil sa pandemyang ito.

Doon dapat ang tuon ng ating dada. Huwag puro sablay na puro kuno tayo magagaling o henyo pero…kapag sablay na…ala, e, preno mga pards bago tayoma-bangin. Adios mi amor, ciao,mabalos.