Walang halong pag-iimbot ang paninindigan ng National Commission on Indigenous Peoples-Cordillera
Administrative Region (NCIP-CAR) na kinakailangan aprubahan ng mga katutubong Tingguian sa Abra sa
pamamagitan ng prosesong Free-and-prior-informed-consent (FPIC) bago ang exploration sa kanilang lupang ninuno. Kailan man ay hindi nakabuyangyang ang mga lupang ninuno sa mining operations, kaya’t kamalian ang
pagsasantabi sa karapatan ng mga katutubong malaman ang mga proyektong nais maisagawa sa kanilang mga komunidad, ayon pa sa NCIP-CAR.
Bagay na pinagpapaliwanag ang CFC-subsidiary Yamang Mineral Corporation (YMC) bakit hindi ito kakaharap sa
karampatang paglabag sa Indigenous Peoples Rights Act (IPRA) sa exploration activities nito sa 16,200 ektaryang sakop ng mga bayan ng Sallapadan, Licuan-Baay, Lacub at Malibcong sa Abra, nang hindi pumaloob sa prosesong FPIC. Inirarason ng YMC na ginawaran sila ng MGB-DENR Authority to Verify Minerals (ATVM), na ayon sa
dambuhalang kumpanya, hindi kailanga ng FPIC dahil exploration pa lamang naman ito.
Naninidigan din ang YMC na hindi sarado ang mga ancestral domain ng mga katutubo sa pagmimina dahil hindi tuwirang binabanggit sa Executive Order No. 79, Series of 2012 ni dating Pangulong Benigno Aquino III na hindi
maaring magmina sa mga lupang ansestral. Ngunit, buong tapang na hahamunin ng NCIP-CAR ang legalidad ng iginawad ng MGB-DENR na ATVM sa YMC, dahil klaro sa Section 16 ng IPRA (Republic Act No. 7942) na hindi bukas sa pagmimina ang mga lupang ansestral nang walang kaukulang pag-apruba ng mga katutubong nakatira doon.
Ayon pa sa NCIP-CAR, may kaukulang jurisprudence na ang ganitong pananaw sa Supreme Court joint decision sa
Lone District of Benguet v. Lepanto and Republic v. Lepanto (G.R. No. 244063, June 21, 2022). Mainam na mailinaw na agad ang usapin sa pagdinig ng House of Representatives na ipinapatawag ni Abra Cong. Menchie Bernos, upang matanto ng pamahalaan alin ng ba ang dapat masunod, ang IPRA ba o ang EO 79, series of 2012?
November 30, 2024
November 30, 2024
December 9, 2024
December 9, 2024
December 9, 2024
December 9, 2024
December 8, 2024
December 8, 2024