Korean national, huli sa pagnanakaw

Huli sa pagnanakaw ang isang Korean national sa SM Supermarket, Luneta Hill, Baguio City bandang 6:25pm ng July 13, 2017.
Nahuli ng sekyu na si Jeff Oyammi ng Raya Security Agency ang suspek na si Tae Gu Kwon, 53, single, Korean national at residente ng Bakakeng Norte, Baguio City, sa pagnanakaw ng apat na bote ng sardinas na nagkakahalaga ng P586; dalawang bote ng butter dark chocolate, P599; anim na bote ng Sicilmar, P867; .302g. ng Cucumber, P20.50; at .208g. ng SMB BF Skiykic, P62.90 na may P2,135.44 kabuuang halaga na hindi binayaran sa kahera.
Bago ang insidente, nagkataong nakita ni Oyammi habang naka-sibilyan, ang paglalagay ng suspek ng mga nasabing items sa isang empty yellow plastic bag sa Foods and Services Center. Mula doon, minatyagan nito ang suspek papuntang lane 15, binayaran lamang ng suspek ang isang pack ng tissue sa kahera subalit ang iba pang items ay hindi ipinakita sa kahera kaya sinundan nito ang suspek palabas ng establisimyento at doon ay inaresto. Ang complainant, sa ngalan ng SM Supermarket management, ay si Bong Halog Estabillo, 32, selling assistant ng SM.
Ang kaso ay handa na para sa inquest proceeding.

Police Patrol

AMIANAN POLICE PATROL

Amianan Balita Ngayon