Krimen sa CAR, bumaba ng 35% dulot ng anti-illegal drug operation

Inihayag ni PRO-COR regional director PCSupt. Elmo Francis Oco Sarona ang mga ulat matapos magsagawa ng ika-4 na pagpupulong ng Regional Law Enforcement Coordinating Committee (RLECC) na kinabibilangan ng inter-agency ng Cordillera Region sa Baguio City Police Office.

Hinangaan ni Sarona ang coordination ng RLECC sa kanilang pagmimintina kung paano pakilusin, lutasin ang mga problema na kinakaharap nila kung kaya napagkasunduan sa pagpupulong na gumawa ng resolution para lumikha ng “Viber Group” na eksklusibo lamang sa mga miyembro ng RLECC para sa mabilisan na komunikasyon at magkaroon ng mas malakas na koordinasyon.

Sa panayam ng Amianan Balita Ngayon kay Sarona, “Nakita natin sa presentation na yung positive impact of this anti-illegal operation is the lowering of the crime volume. Malaki ang ibinaba ng crime volume natin, almost 35 percent, while this was complemented by increasing naman yun ating crime clearance efficiency and crime solution efficiency kasi yan ang basic function ng pulis, prevent crime.”

Dagdag pa niya, “Now in case crimes are committed, nilulutas naman natin ito so, crime prevention and crime solution, kapag ibinaba natin ang crime volume at naitaas naman natin ang solution efficiency.”

“Ang drug affected barangays ay naibaba natin ng 22 na lang, 19 sa Baguio at tatlo sa Benguet because the other five provinces have been declared cleared although… for almost 1 month hindi gumalaw ang PNP upon direction of the President kaya dito medyo nagkaron ng resurgence and as of now, we have 28 barangays na bumalik so at this time 50 barangays na ang drug affected barangays sa Cordillera but Ifugao is the only province that have no report of resurgence,” ani Sarona.

Iniulat din ang sitwasyon at accomplishments ng mga ahensya na miyembro ng RLECC. Inilatag ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang employment compensation program, sumunod ang ROPD, PROCOR na tinalakay ang crime situation updates, at ang updates ng CNN (CPP-NPA-NDF) cases, sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ay nagpalabas ng tatlong resolution ang Dangerous Drugs Board. Sa National Economic and Development Authority ay itinanghal rin ang RDP chapters on peace and security maging ang Bureau Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ay nagbigay ng status sa Cordillera Fisheries Law Enforcement na halos tumagal ng apat na oras ang talakayan. ABN

Amianan Balita Ngayon