Kris, umepal kay Digong? What?

Feb 11, 2017

Kris Aquino, ang kapatid ni dating pangulong Noynoy Aquino, umepal kay Pres. Duterte? Susmaryusep! Parang di kapani-paniwala ngunit mismong si Pres. Digong ang nagbulgar na nagpadala ng text message sa kanya si Kris Aquino para umano ipakiusap na huwag naman ipakulong ang kanyang kapatid na si Noynoy. Sabi nga ni Digong: “si Kris, nag-text. Sabi, huwag mo namang ipakulong si Noynoy.” Bakit nagkaroon ng ganitong eksena na mismong ang artistang kontrobersiya rin sa tunay na buhay ang lumapit na kay Digong? Talagang masalimuot ang mga pangyayari, hane? Pero mas maganda kung uriratin nating maigi ang isyu:

******

Kamakailan, dumaplis si Pres. Duterte na muling buksan ang Mamasapano investigation at linawin ang maraming katanungan sa mga ginawa at hindi ginawa noon ni dating Pangulong Aquino. Dahil dito, sinabi ng pangulong Digong na bubuo siya ng isang komisyon para imbestigahan ang SAF44. Sa talumpati nga kamakailan ni Digong sa harap ng mga pamilya ng SAF 44 na ang planong mabubuong komisyon ay tulad sa Agrava Commission na kakatawanin ng mga taong may dangal at integridad para tapusin ang imbestigasyon. Kasi nga naman, sina dating PNP Chief Purisima at dating SAF Chief Napenas pa lang ang nadidikdik. Katunayan nga ay nakapag-piyansa na si Purisima dahil sa mga kasong isinampa sa Ombudsman. Pero malakas ang ugong na bakit daw hindi idinawit si Pangulong Noynoy na siya diumano ang nag-utos sa naturang operasyon. Kaya ang daing na yan ang naging dahilan upang magpa-imbestiga si Pangulong Duterte. Na ang ibig sabihin: kung sino pa ang mga dawit sa kaso ay dapat malantad at mananagot sa batas. In short, hindi ligtas sa imbestigasyon ang dating pangulong Noynoy, di ba? Yan kaya ang dahilan kung bakit nag-text si Kris kay Digong?

******

Sa text daw ni Kris kay Pres. Duterte, tiniyak niyang hindi siya naghahanap ng away. Naku ha? Sagot naman ni Digong: “No Kris. I am not out to find faults. I just want to know the truth!” At ang ikinagulat ng marami, binawi kamakailan ni Digong ang kanyang pangakong bubuo ng isang komisyon para imbestigahan ang SAF 44. Wow, ang bilis ng hatak ni Kris, hane? Pero, teka lang mga pards ang text kaya ni Kris ang dahilan sa biglang pagkambio ni Digong? Ito ang sagot ni Digong na dapat unawain at tanggapin ni Kris: “I am not going ahead with the creation of a commission because apparently, the Ombudsman has said that it’s still pending before them. I do not want to have a multiple incongruity especially if one finding fights with the other. So, hintayin ko na lang!” Malinaw ang rason. So ibig sabihin, hindi pinatigil ni Digong ang pagbuo ng bagong komisyong mag-iimbestiga muli sa Mamasapano dahil lamang sa pakiusap ni Kris na huwag ikulong ang kapatid na si Noynoy. Pero may mga naririnig kaming upak ng mga maalam sa legaledad: Bakit daw hiniling ni Kris kay Duterte na huwag ikulong ang kapatid na si Noynoy? Aminado ba siya na dawit talaga ang kanyang kapatid sa nangyaring masaker sa Mamasapano? Mas maigi raw na tumahimik na lang siya upang hindi raw medyo buking. He he, parang mababaw yata ang istorya ng pelikulang gustong i-direct ni Kris, sabi nila. In short – ampaw! Ang masakit, hindi si Digong ang uri ng taong madaling kapitan ng Epal. Kung ang tuhod ni Leni, nabiro niya, baka naman balakang ni Kris ay madamay pa. Kaya hintayin na lang natin ang say ng Ombudsman bago tayo humusga. Sa amin kung sinong nagkasala sa Mamasapano, dapat panagutin sa batas. Amen. Adios mi amor, ciao, mabalos!

RELATED POSTS

QUITE UNDERSTANDABLE

Senator Loren Legarda is a champion of several causes including that of preserving and protecting the environment and promoting livelihood...

SINGKWENTA

On the day of commemoration of Martial Law, I decided to be poetic and cryptic, posting on my social media an allusion to the sinister...

URONG SULUNG

TILA BANTULOT ang mamamayan na alisin ang facemask sa kanilang mga mukha kapag nasa outdoor setting. Nitong mga huling araw, habang...

LATEST NEWS

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

Affirming the Provincial Government of La Union’s support to the Philippine National Police’s commitment in securing a peaceful and orderly province, Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David graced the 121st Police Service Anniversary celebration of the La Union...

DEVELOPERS MEET, DISCUSS SOLUTIONS FOR THE COUNTRY’S HOUSING INDUSTRY

As of 2017 , housing backlog estimated at 6.7 million ; developers target building two million for 2022 Every Filipino family aspires owning a home. Years, the Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA) has relentlessly been trying to make that dream...

FACE MASK BOLUNTARYO NA ANG PAGGAMIT SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Sa mga naasiwa na sa paggamit ng facemask ay nagbigay na ng signal si Mayor Benjamin Magalong at ang city council sa pamamagitan ng naaprubahang resolusyon na puwede ng hindi mag face mask o’ boluntaryo na lamang ang paggamit nito sa mga outdoor setting...

ADOPTED SON

ADOPTED SON

Iginawad ng provincial government ng Kalinga ang mataas na pagkilala kay PNP Chief Gen.Rodolfo Azurin,Jr., bilang adopted son ng Kalinga at pinangalanang "Inchakas" sa kanyang pagbisita sa lalawigan noong Setyembre 15, Photo by Kalinga PPO/ABN

MANNALON TI ILOCOS NORTE AGAPIT MANIPUD RICE HYBRID PROJECT

SUIDAD TI LAOAG, Ilocos Norte-Dagiti mannalon a nalipaset iti maysa a 160- hectare hybrid rice cluster technology demonstration project sadiay Ilocos Norte ket agapiten iti mulada inton sumaruno a lawas. Ipalgak dagiti nadumaduma a teknolohia ti panangpataud iti bagas...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest