LA TRINIDAD, Benguet
Mahigit tatlong daang mag-aaral ng high school ang nagpakitang-gilas sa pagbubukas ng CARAA 2025 sa Benguet Sports Complex noong Pebrero 23. Bago paman idineklara ni Regional Director Estela P. Leon-Carino ang pormal na
pagbukas ng CARAA 2025, naganap ang ground demonstration na pinamunuan ng mga mag-aaral mula sa Benguet National High School. Ang unang sayaw ay ang Binukaw Dance, isang tradisyonal na sayaw ng Benguet.
Tinawag din ang Secretary uan Edgardo Angara sa sayaw. Pagkatapos nito, ipinakilala ng BNHS ang sayaw na Bendian Dance. Ang salitang ‘Bendiyan’ ay nangangahulugang “let’s see who gets tired first”. Ang huli naman nilang
sinayaw ay ang modernong sayaw, kung saan nagsuot ng makukulay na damit ang mga performer, na kung saan ay
maraming delegates at manonood ang napahiyaw sa napakaganda nilang pagtatanghal.
Ayon sa isang manonood, “Dati din akong taga Benguet NHS at ngayon isa na lang din akong manonood. Nakakatuwa lang kasi iba pala ang feeling ng nanonood sa nagpeperform. Bigla ko namiss ang pagiging high school student.” Sa kabila ng kanilang paghihirap, nagbigay ang Department of Education (DepEd) ng tatlong daang libong piso para sa mga performer.
Hubert Balageo/ UB-Intern
March 1, 2025
March 16, 2025
March 16, 2025
March 16, 2025
March 16, 2025