“KUNG TUNAY SILANG HUMAN RIGHTS DEFENDERS. BAKIT SILA MISMO ANG PASIMUNO SA PAGLABAG SA KARAPATANG PANTAO.

“Kung tunay silang human rights defenders. Bakit sila mismo ang pasimuno sa paglabag sa karapatang pantao.”
Kami sa Nagkakaisang Samahan Para sa Kapayapaan at Kaunlaran (NSKK) ay gustong ipakita sa inyo ang tunay na kulay ng CPP-NDFNPA at sa mga grupong sumusuporta sa kanila. Ang isang grupo ng komunidad sa Kalinga na
kanilang in-organisa ay kinikilala ang kanilang mga miyembro bilang human rights defenders laban sa di umanong
human rights violations, redtagging, at harassment ng gobyerno. Inaakusahan nila ang gobyerno, militar, at kapulisan ng human rights violations.

Pero kung tunay silang human rights defenders. Bakit sila mismo ang pasimuno sa paglabag sa karapatang pantao
at sila pa mismo ang dahilan ng kaguluhan at hindi pagkakaunawaan? Noong ika-23 ng Abril 2024, mga miyembro ng nasabing grupo ay pilit na pinasok ng walang paalam ang pamamahay ng isang residente sa Sitio Liglig, Tanglag,
Lubuagan, Kalinga. Dahil dito, nagsampa ng kasong trespassing ang nasabing resident sa Lubuagan Police Station noong ika-29 ng Abril 2024.

Kitang-kita naman na mali at labag sa karapatang pantao ang ginawa ng mga ito. Ang kanilang ginawa ang taliwas sa
kanilang pinaglalaban at sinasabing human rights defenders. Tama rin naman ang ginawa ng residente na magreklamo at magsampa ng kaso dahil sa gulo na dinulot ng grupong ito. Sa nangyaring ito, sana ay huwag tayong mabulag sa kasinungalingan ng CPP-NDFNPA, isang grupong gulo lang naman ang naidulot sa atin at patuloy pa ring sinisira ang kapayapaan at kaayusan sa ating lipunan.

Sa huli, kalakip ng lahat ng paki-usap at paghahayag ay isang panalanging matigil na ang panggugulo at paninira ng
buhay ng CPP-NDF-NPA at mga grupong sumusuporta sa kanila. Ang pagsupil sa CPPNPA-NDF at sa mga grupong
sumusuporta sa kanila ang isa sa pinakamabisang paraan upang umunlad at maging mapayapa ang ating bansa.

Amianan Balita Ngayon