La Union binuksan ang pinto para sa mga turista mula Rehiyon 1, Baguio City

LUNGSOD NG SAN FERNANDO, La Union – Bilang bahagi ng Ridge to Reef project ng Department of Tourism (DOT), binuksan ng pamahalaang panlalawigan ng La Union ang sector ng turismo nito para sa mga bisita mula sa Rehiyon ng Ilocos at Lungsod ng Baguio sa gitna ng mga banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

“This gradual re-opening of tourist sites, which includes the surfing town of San Juan and the grape farms in Bauang, is said to help in regenerating the province’s economy,” ayon kay Governor Francisco Emmanuel Ortega III.

Sa paglulunsad ng Ridge to Reef project ng DOT noong Setyembre 21 ay sinabi ni Ortega na “Through our strong partnership and collaboration, we shall keep our heads high as we are determined to set forth a promising direction for tourism and economic revitalization in our respective provinces and region.”

Kailangang sumunod ang mga bisita sa documentary requirements na itinakda ng pamahalaang panlalawigan. Bilang nakasaad sa mga probisyon ng Executive Order No. 19-D series of 2020 kailangang magpakita ang mga turista sa pagdaan sa mga border checkpoints ng, La Union Health Declaration Form o anumang pass na hinihingi ng DOT, company identification (ID) o certificate of employment, travel authority mula sa Philippine National Police, at booking confirmation, kung mananatili sila sa isang hotel, negative results ng swab test na inisyu sa loob ng tatlong araw bago ang aktuwal na pagdating sa probinsiya ay kakailanganin.

Kung wala ay hindi papayagang makapasok ang mga bisita. Ang mga residente ay papayagang maglakbay sa rehiyon at Baguio City ngunit pinapaalalahanan sila sa mga requirements na kailangan nilang sundin sa kanilang pagbabalik sa probinsiya.

Sa kabila ng kaluwagan sa community quarantine restrictions, ay sinabi ni Ortega na,”As we slowly see the doors of tourism slowly open up, let us not put our guards down. Let us strengthen our efforts on disease prevention, surveillance, response and treatment to ensure the continued protection of our constituents as we aim to resume local economic development.”

Isa pa, ang munisipalidad ng San Gabriel ang tahanan ng kilalang Tangadan Falls ay mananatiling sarado hanggang sa unang linggo ng Oktubre sa utos ni Mayor Herminigildo Velasco. Samantala, ibinahagi ni El Salvador Mayor Edgar Lignes sa Laging Handa Network Briefing News na ang kaniyang bayan sa Misamis Oriental ay bubuksan din ang kanilang indsutriya ng turismo, partikular ang pamosong pilgrimage sites sa 50 prosiyento na kapasidad.

(CGRC/PIA LU/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon