La Union, may bagong police director

CAMP DIEGO SILANG, LA UNION – Itinalaga bilang bagong director ng La Union Police Provincial si Senior Superintendent Rodelio C. Samson, dating chief ng Operations and Plans Division ng Police Regional Office 1 (PRO1), na namuno sa command conference ng police headquarters ng Camp Diego Silang sa Barangay Carlatan noong Nobyembre 23.
Si Samson ay graduate ng Philippine National Police Academy Class 95 at tubong Manaoag, Pangasinan, at pinalitan si outgoing Senior Supt. Leo Francisco na itatalaga naman sa Criminal Investigation and Detection Group sa Camp Crame.
Pinangunahan ni Chief Supt. Charlo Collado, PRO1 regional director, ang turn over ceremony sa pagitan nina Samson at Francisco na isinagawa sa conference hall ng nasabing kampo.
Nangako naman si Samson na palalakasin ang implementasyon ng anti-criminality campaign upang mapanatili ang peace and order sa La Union at upang maitaas ang morale ng mga police personnel na magpokus sa kanilang mga tungkulin at pananagutan. ERWIN BELEO

Police Patrol

AMIANAN POLICE PATROL

Amianan Balita Ngayon