Lacson-Sotto sa Kabataan: Kayo ang tagapagsulong ng demokrasya

Hinimok ng tambalang Lacson-Sotto ang mga kabataan na iparinig ang kanilang mga boses sa isang youth forum na ginanap sa Baguio City nitong Biyernes. – “Ilabas mo ang iyong saloobin. Wala sa edad ang sukat ng iyong kaalaman.” – Ito ang mahalagang mensahe na ibinahagi ni
Partido Reporma chairman at standard-bearer Ping Lacson at ng kanyang running mate na si Senate President Vicente “Tito” Sotto III sa mga opisyal at miyembro ng Sangguniang Kabataan (SK) sa City of Pines.
– Sa kanyang talumpati, pinaalalahanan ni Lacson ang mga kabataan ng kanilang halaga sa lipunan, at sinabing naniniwala pa rin siya sa kasabihan ni Jose Rizal, “ang kabataan ang pag-asa ng bayan.” Hinimok din niya ang mga kabataan na huwag matakot na iparinig ang kanilang mga boses, partikular na sa darating na 2022 elections.
– Higit sa lahat, pinaalalalahanan niya sila na mag-ingat sa fake news. Dapat umanong maging matalino at mapanuri at alalahanin ang epekto ng kanilang pipiliin sa sa mga susunod na henerasyon. – Napakahalaga nito dahil ang totoo niyan, nasa 52 porsyento ng mga registered votes ang galing sa sektor ng kabataan.
Kaya talagang importante ang kanilang boto. Pero sa panahon ngayon na napakabilis kumalat ng fake news sa social media, delikado ang bansa.
Maging mapanuri tayong lahat. Hindi lang mga kabataan, pero bawat Pilipino. At ito ay hindi lang sa pagpili ng national leaders, pati local leaders din. Sabi nga ng mga SK, sa barangay pa lang nahihirapan na silang humingi ng pondo para sa mga proyekto, kahit na kasama sila dapat sa Internal Revenue Allotment para sa mga barangay.
Tiniyak naman ni Lacson na sa ilalim ng kanyang pamumuno, makakatanggap sila ng sapat na suporta para hindi na manggaling sa sarili nilang bulsa ang pondo para sa mga community projects.
Binigyang-diin din niya na kailangang mamuhunan sa mga programang magpagpapaunlad ng kapasidad ng sektor ng kabataan. Para kay Senador Ping, makakatulong ito sa kanila na maging mas mahuhusay na mga pinuno ng komunidad sa hinaharap.
Pinayuhan naman ni Sotto ang mga kabataan na sakaling mabigo ang kanilang mga kapitan sa barangay na ibigay ang kanilang bahagi sa Internal Revenue Allotment, dapat nilang ipaalam ito sa kanilang mga alkalde, na may kapangyarihang magpatupad ng disiplina sa mga opisyal ng barangay.
– Nagtungo ang tambalang Lacson-Sotto sa Norte nitong Sabado at Linggo upang bisitahin ang mga lalawigan ng Benguet at Pangasinan. Ito ay bahagi ng kanilang Online Kumustahan series, kung saan sila ay direktang pumupunta sa mga lokal na pamahalaan at sa mga tao upang dinggin ang kanilang mga suliranin at magplano ng mga kaukulang solusyon. Ito ay bilang pagsuporta sa kanilang BRAVE campaign o Budget Reform Advocacy for Village Empowerment, na magbibigay ng mas malakas na boses sa mga LGU.
Noong Sabado, nakiisa rin si Lacson sa ika-50 anibersaryo ng Philippine Military Academy Matatag Class of 1971. Sa kanyang talumpati, sinabi niya na natutunan niya sa PMA ang KKK – kakayahan, katapangan, at katapatan – na siya namang magiging gabay niya sa pagharap sa mga hamon na kinakaharap ng bansa, sakaling siya ay mahalal na Pangulo sa 2022.
with Reports Carlos Meneses/ABN

Amianan Balita Ngayon