LAGOT KAYO KAY APO LAKAY!

LAOAG, Ilocos Norte

Nakiisa si Senadora Imee R. Marcos sa mahigit isanlibong nagrarally sa tapat ng Department of Finance ngayong Martes, Setyembre 26. Nagdala ng pagkain at inumin ang senadora bilang suporta sa mga tumututol sa isinusulong ng DoF na pagbabawas ng taripa sa imported na bigas.
Minumungkahi ng DoF na bawasan ang 35% na taripa sa imported na bigas at gawing 10% hanggang 0% pansamantala dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng bigas sa merkado.

Tutol si Senadora Marcos sa gustong mangyari ng DoF na ito at pinaplanong patuloy na importasyon ng bigas lalo na at kasagsagan ng anihan ng mga magsasaka simula ngayong katapusan ng Setyembre hanggang Oktubre. “Hindi papayag si BongBong dito. Sigurado ako diyan dahil lagot tayo sa tatay ko. Talaga naman, sigurado ako diyan,” sabi pa ng Super Ate ng Pangulo.

Kumpyansa siya na hindi papayag ang kanyang kapatid na si Pangulong Bongbong Marcos sa gustong gawin ng DoF. Dagdag pa ni Senadora Marcos na para kay Apo Lakay, ang bigas ay may matalinhaga at kapangyarihang wagas. “Para sa aking ama, ang bigas ay talagang hindi lamang
pagkain. Para sa kanya, pagkatao. Unang-una, pagkatao ‘pagkat walang dignidad ang kumakalam ang tiyan.

Ikalawa, pagmamahal – dahil ang pagiging Kristyano ay manggagaling sa pagmamahal sa kapwa na
pinapakain at hindi ginugutom. Ikatlo, ang bigas ay kalayaan. Kalayaan dahil walang demokrasya ng gutom.” Ang mensahe ng senadora para sa mga nagsasabi na magpasok ng imported na bigas
sa panahong ito, “Lagot kayo! Mumultuhin kayo ni Apo Lakay.”

Amianan Balita Ngayon