Lalaki huli sa pandurukot ng cellphone sa La Union

Isang lalaki ang hinuli ng mga elemento ng San Fernando CPS habang aktong dinudukot ang isang cellphone na pag-aari ni Edwina Rarang Abellera, 54, biyuda at isang vendor at residente ng Barangay Sagayad, San Fernando City, La Union. Kinilala ang suspek na si Ariel Aromin Bucasas, 49, may-asawa at residente ng Wet Market, Ilocanos Sur, San Fernando City, La Union na pinangyarihan ng insidente. Nagkakahalaga ng P2,000 ang cellphone at hawak na ng San Fernando City CPS ang suspek.

Amianan Balita Ngayon