Arestado ang isang construction worker sa paglabag sa RA 10591 o comprehensive firearms and ammunition regulation act at direct assault bandang 4:55am ng August 2 sa Magsaysay Avenue, Baguio City.
Kinilala ang suspek na Geremy Wahayan Tarapen, 25, single, construction worker, at residente ng Tabuk City, Kalinga.
Ayon sa imbestigasyon bago ang insidente, pumasok ang suspek sa Baguio Country Sounds at agad na inilabas ang calibre 45 pistol pagkatapos ay itinutok pataas ang baril at nagpaputok ng apat na beses. Habang nagaganap ang insidente, napadaan sina PO3 Joemer Altiga at PO3 Julius Liis na nakasibilyan at nakita nila ang insidente kung kaya nilapitan nila ang suspek. Nang ipinaalam nilang sila’y mga pulis, nagpaputok nang tatlong beses ang suspek tungo kay PO3 Altiga ngunit hindi natamaan hanggang naubos ang bala ng baril ng suspek. Inihampas ng suspek ang baril nito kay PO3 Altiga kung kaya’t nagtamo ito ng sugat sa noo. Isang miyembro naman ng POSD na naka-duty ang tumulong sa police officers sa pagdakip sa suspek at agad na dinala sa Police Station 2 para sa dokumentasyon at imbestigasyon.
Nakuha mula sa suspek ang calibre 45 (Taurus) na may serial number NAP 80860, dalawang magazines, walong piraso ng live ammunition, at apat na empty shells ng nasabing baril. Ang mga nakumpiska ay ipinasa sa PNP Crime Laboratory Office para sa ballistic examination.
August 6, 2017
August 6, 2017
March 22, 2025
February 9, 2025
January 26, 2025
January 26, 2025
January 26, 2025