Lalaking napagtripan sa Benguet, sinapak

LA TRINIDAD, BENGUET – Sinuntok sa mukha ang isang lalaki matapos mapagtripan ng dalawang dalawang lalaki sa Barangay Puguis ng bayang ito, noong Hunyo 25, 2018.
Kinilala ng La Trinidad municipal police ang dalawang suspek na sina Ohgie Obando at Resty Lachica, parehong 37 anyos at tubong Santo Tomas, La Union habang ang biktima ay si Ryan Shontogan, 29 anyos, residente ng Pico, La Trinidad, at kasama nitong si Lito Lim Cabico, 39, residente ng Itogon, Benguet.
Ayon sa salaysay ni Shontogan, bumibili sila ng pagkain sa isang store at tinutukso sila ng mga suspek. Sinubukan ng mga biktima na huwag na lang pansinin ang mga suspek pero nang paalis na sila ay sinundan sila ng mga suspek sa kanilang paglalakad at biglang sinuntok umano ng isang suspek ang mukha ni Shontogan.
Kakaharapin ng dalawang suspek ang kasong alleged physical injury.
Paalala naman ng kapulisan na iwasan ang mga ganitong insidente para hindi na umabot sa malalang sitwasyon. FRIA PILORIN, UC Intern

Latest News

Amianan Balita Ngayon