Laoag City balik sa MECQ, mass testing ipapatupad

LUNGSOD NG LAOAG, Ilocos Norte – Sa gitna ng tumataas na kumpirmadong mga kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa lungsod na ito ay inilagay ni Ilocos Norte Governor Matthew Marcos Manotoc ang lungsod sa ilalim ng isang localized modified enhanced community quarantine (MECQ) na mag-uumpisa sa Nobyembre 27 hanggang sa may panibagong pabatid.
Sa kaniyang pahayag na ipinost sa online, isang localized MECQ ang napagdesisyunan para sa lungsod base sa medical data at umiiral na panuntunan ng Department of Health (DOH).Siniguro niya na ang mga pangunahing serbisyo ay magiging handa pa rin habang ang lungsod ay nasa ilalim ng isang mahigpit na community quarantine upang masugpo ang pagkalat ng viral na sakit.
Noong Huwebes ay nagsagawa si Laoag City Mayor Michael keon ng isang press briefing kung saan inanunsiyo niya ang deklarasyon ng MECQ sa lungsod.
Niliwanag niya na hind ito magiging mahigpit na MECQ ngunit ang mass testing ay isasagawa kung saan nangyari ang mga pagkahawa.
“During this MECQ, there will be a mass swabbing. The contact tracers will be working double and triple time in order to really look for COVID-19 wherever it may be because we have to stop the spread of COVID-19,” ani Mayor.
Dahil sa tatlong nagtitinda ng isda ang nagpositibo sa COVID019, isinar ng pamahalaang lungsod ang pampublikong merkado sa loob ng tatlong araw para sa pagsasagawa ng contact tracing. Babalik sa regular na operasyon ang pamilihan sa Nobyembre 29.
Sa halip ng pansamantalang pagsasara ng pamilihan, ang mga barangay ay magkakaroon ng kanilang sariling “talipapa” o isang maliit na wet market.
“Vendors cannot sell now in the tiendaan (market). They will go to their respective barangays and coordinate with their village officials where they can sell their products,” dagdag ng mayor.
Ang opisyal na panuntunan para sa localized MECQ ay ilalabas pa.
Hanggang 12 ng gabi ng Nobyembre 26, ang Laoag City ay mayroong 47 aktibong kaso, 43 ang gumaling at 90 kabuuang kaso.
MJTAB- PIA I N/PMCJr.-ABN

Amianan Balita Ngayon