DAGUPAN CITY
Banta sa kalusugan ng mga residente ang mga waterborne disease tulad ng leptospirosis sa mga binahang lugar partikular sa Dagupan City. Ang Leptospirosis ay isang bacterial disease na dulot
ng pagkakalantad sa tubig na kontaminado ng ihi ng mga hayop, lalo na ng mga daga. Kasama sa mga sintomas nito ang lagnat, pananakit ng kalamnan, pananakit ng ulo, at pulang mata.
Sinabi ni Dr. Ophelia Riveria, city health officer, na dapat magsuot ng protective boots ang mga residente kung hindi nila maiwasang maglakad sa mga lugar na binaha. Ayon sa kanya, ang
lungsod na ito ay nakapagtala na ng tatlong kaso ng leptospirosis tatlong linggo na ang nakararaan bago pumasok ang bagyong “Egay” at “Falcon” at dalawa sa mga naiulat na kaso, ang pasyente ay namatay.
Ilang mga kalye ang nanatiling hindi madaanan ng mga magaan na sasakyan, kaya napilitan ang mga residente na ipagpatuloy ang pagtawid sa tubig-baha. Sa bayan ng Lingayen, sinabi ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) na bilang bahagi ng disaster response nito, nagsagawa ito ng relief operations sa mga bayan ng Alcala, Bani, Calasiao, San Fabian, Mangaldan, Lingayen, Calasiao at Urbiztondo. Nakapagtala rin ang PDRRMO ng P69.4 milyon halaga ng pinsala sa agrikultura, P1.8 milyon halaga ng pinsala sa mga alagang hayop, at P34.5 milyong halaga ng pinsala sa mga kalsada at tulay ng probinsiya.
John Mark Malitao/UC-Intern/ ABN
November 1, 2024
November 1, 2024
November 1, 2024
November 1, 2024
November 1, 2024
November 1, 2024