Liberasyon ng Marawi, ikinatuwa ng mga Muslim

Oct 21, 2017

Ikinatuwa ng mga Muslim leaders sa lungsod ang balitang idineklara na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang “liberasyon ng Marawi City mula sa impluwensiya ng mga terorista”, noong Martes.
Sinabi ni Imam Bedi Jim Abdullah, na inalala ang kaniyang pinagmulan sa Marawi na, “Praise the Almighty for the development! With the recent event, it is a welcome news.”
Aniya, masaya siyang marinig na na-neutralize na ng gobyerno sina Omar Maute at Isnilon Hapilon na namuno sa grupong umatake at kumubkob sa lungsod ng halos limang buwan.
Nagpahayag ng tiwala si Abdullah na sa pagkamatay ng dalawang lider ay tuluyan ng babagsak ang buong grupo.
“How the leader of a group thinks affects his whole organization. If his goal is to sow terror, his group will follow but if he thinks/acts for the welfare of his people, then the good things will come out of his leadership,” aniya.
Sinabi rin niya na mataas ang pag-asa nila na ang gobyerno sa ilalim ni Pangulong Duterte ay matagumpay na mare-rehabilitate ang Marawi at ibigay ang normalisasyon ng pamumuhay ng mga Muslim sa lungsod.
Siniguro ni Abdullah na ang mga Muslim pati na ang nasa labas ng Mindanao ay handang tumulong sa rehabilitasyon sa pagtatayo ng Marawi.
“While it is the obligation of the government to rebuild Marawi, we can contribute. The Muslim leaders can contribute and can give wisdom,” ani Abdullah.
Sabi pa ni Abdullah na ang giyera sa Marawi ay gumising sa mga Muslim, hindi lang sa Mindanao kundi sa buong bansa at nag-iwan ng katanungan sa kanila na nagbigay oportunidad sa gobyerno upang makita ang lumalalang isyung nakakaapekto sa kanilang komunidad.
Ang mga Muslim leaders ayon sa kaniya ay makakatulong sa pagsulong ng tunay na kahulugan ng Islam at iwasto ang maling pagkaalam at taliwas na pagtuturo na itinanim sa isipan ng iba na sanhi ng kanilang pagtalikod ang pagiging masama.
Nanawagan si Abdullah sa kapwa Muslim na, “let us maintain the smooth and the correct teaching of Islam, practice it, and we will all be well.”
Sinabi naman ng isa pang lider ng Muslim sa lungsod na si Imam Samsodin Monib na ang pagkamatay nina Hapilon at Maute ay matagal nang hinihintay na ginhawa sa maraming linggo at buwang paghihirap ng mga Muslim sa Marawi at iba pang lugar.
“Napakasaya po, para kaming nabunutan ng tinik na pinakamalaki sa lalamunan,” aniya.
Sinabi ni Monib na sa nakalipas na mga buwan ay ginagawa nila ang kanilang bahagi upang maibsan ang paghihirap ng kapuwa Muslim, kumokolekta at nagpapadala ng pera at kagamitan sa kanilang mga kapatid na nakatira sa mga evacuation center. Ito ay maliban sa pagtulong sa mga estudyante na pumunta sa Baguio para ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral.
Ayon pa kay Monib na may halos 45 estudyante mula Marawi ang lumipat sa iba’t ibang elementarya at high school sa lungsod matapos pumutok ang giyera sa Marawi.
Sinabi niya na lagi silang naniniwala na kung magpang-abot ang kabutihan at kasamaan ay laging umiiral ang kabutihan. LIZA AGOOT, PNA / ABN

RELATED POSTS

TECHIE TAHO VENDOR

TECHIE TAHO VENDOR

"QR Lang po sa umaga”-Baguio City is the first local government unit to adoptthe program co-developed by the Bangko Sentral ng Pilipinas...

FREE DEWORMING AND VITAMINS

FREE DEWORMING AND VITAMINS

was given to horses at Wright Park and Camp John Hay last September 27 and 29, 2022 as part of our Animal Diseases Prevention and Control...

INSPECTION AND MONITORING

INSPECTION AND MONITORING

Acting City Mayor- Faustino A. Olowan inspects recently City Camp Lagoon ,Lower Rock Quarry September 26,2022 caused by Typhoon Karding...

LATEST NEWS

BAGUIO MARKET EMPLOYEES SUED IN “KWARTAIS” SCANDAL HIKES TO 14

BAGUIO CITY - Three more employees of the Baguio City government assigned at the public market as collectors of arrival fees or ‘kwartais’ were charged with malversation with falsification of public documents and falsification by public officers, jumping to 14 sued in...

TUBA 7TH AVA FESTIVAL

TUBA 7TH AVA FESTIVAL

Adding-attractions to One Town, One Product (OTOP), Mayor Clarita Sal-ongan and indigenous farmers proudly show locally grown ava (taro) product during the opening of the festival held on Sept 26 at the municipal grounds. Tuba officials show unity promoting the...

ZERO BACKLOG ITI KASKASO TI AGRARIO MATAGINAYON ITI DAR ILOCOS

SIUDAD ITI LAOAG – Matagtaginayon iti Department of Agrarian Reform (DAR) iti zero backlog nga estado iti panangipatungpal ti linteg kadagiti kaskaso iti agrario agingga iti maikatlo a kakapat iti daytoy a tawen. Ipatpatungpal ti ahensia iti zero backlog kadagiti...

GREYHOUND OPERATION

GREYHOUND OPERATION

Nagsagawa ng greyhound operation ang iba’t ibang ahensya at gamit ang sniffing dog para alamin kung itinatagong illegal na droga ang mga Persons Deprive of Liberty (PDL) sa loob ng Baguio City Jail Male Dorm. Walang nakitang droga o pharaphernalia at negatibo din sa...

APAT SUSPEK NADAKIP SA PAGPATAY SA LGBTQ TEACHER SA ABRA

APAT SUSPEK NADAKIP SA PAGPATAY SA LGBTQ TEACHER SA ABRA

Motibo: Land dispute BANGUED, Abra – Natukoy at nadakip na ng pulisya ang apat na suspek na pumatay sa isang guro sa high school na miyembro ng Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, and Queer (LGBTQ) community,sa isinagawang hot pursuit operation,matapos ang krimen...

LOCAL FARMERS CHALLENGED TO PRODUCE ORGANIC PRODUCTS

Tuba’s 7th Ava Festival TUBA, Benguet –Farmers in this town were encouraged to practice organic farming in order to boost and strengthened soil fertility and health benefits of agricultural products. Mayor Clarita Sal-ongan made the call during the Sept. 26 “Kapihan”...

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest