LIBRENG KAPON, ISINAGAWA NG BAGUIO VETERINARY OFFICE

BAGUIO CITY

Matagumpay na naisagawa ng City Veterinary and Agriculture Office ang programang libreng kapon para sa mga alagang pusa at aso sa Slaughter Compound covered court noong Abril 10 at
11, gayundin sa Municipal gym ng La Trinidad, Benguet noong Abril 12 at 13. Ang kaganapan ay
itinaguyod ng Biyaya Animal Care Philippines, isang nonprofit na organisasyon, katuwang ang CVAOBaguio City Veterinary at Municipal Agriculture Office ng Baguio City at La Trinidad, Benguet.

Ito ang pangalawang pagkakataon na nag-sponsor ang Biyaya Animal Care Philippines ng naturang event dito sa lungsod, ang unang pagkakataon ay noong Setyembre ng nakaraang taon. Ayon kay Dr. Gladys Bantog, isang beterinaryo ng CVAO, bukod sa pagbabawas ng labis na populasyon ng mga ligaw na pusa at aso, ang mga benepisyo ng pag-spay at pagneuter ng mga alagang hayop ay nagpapababa rin ng panganib ng kanser sa mga alaga. Maaari rin umanong mabawasan ang problema sa pag-uugali na kaugnay sa instinct at agresyon sa pagsasama, pati na rin ang pagtaas ng tagal ng buhay ng mga alagang hayop hanggang 5 taon.

Kate Juri Castañeda/UB Intern/ABN

Amianan Balita Ngayon