BONTOC, MOUNTAIN PROVINCE – Isa sa pangunahing nabigyan ng atensyon sa idinaos na Lang-ay Festival ay ang likas na ganda ng Cordillera, partikular ang Mountain Provice.
Sa pagdalo ni Senator Joseph Victor Ejercito sa 51st Mountain Province Foundation Day at 14th Lang-ay Festival sa bayang ito noong nakaraang linggo ay nangako ang senador na ibibida at susuportahan nito ang turismo sa buong Cordillera.
“I really appreciate the beauty of Mountain Province and sa tingin ko hindi lang ito natural treasure but also part of the wonders of the world,” dagdag pa niya rito na dapat mapreserba ang ganda ng Cordillera dahil isa ito sa mga maipagmamalaki ng buong rehiyon.
“Kailangan nating pangalagaan itong ating likas na yaman kasi isa talaga ito sa mga nagpapaganda ng ating bansa.”
Nakatakdang magbigay ng isang privilege speech si Senator Ejercito sa Senado upang payuhan ang Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) na baguhin ang kanilang proseso sa paglaan ng mga budget sa mga potential na tourist destination kaysa sa paglaan ng budget sa 300 distritong napatunayang non-viable.
Maliban sa Banaue Hotel, binisita rin ni Ejercito ang Mt. Data Hotel para makita kung ano ang rehabilitasyon na kailangan nito para mas dayuhin at ma-enjoy ng mga turista.
“Ito yung mga potential areas for tourism na I would like to do my share on how to develop the area and ito yung mga dapat talagang dini-develop para mas makita pa ang ganda nito.”
Patuloy naman ang pangangalaga at pagpapaganda sa mga tourist destination na matatagpuan sa probinsya upang maipakilala pa ang ganda ng Mt. Province hindi lamang sa buong bansa kundi sa buong mundo. ALLAN LEMUEL C. SUNGA, contributor
April 13, 2018