BUKAS AT kamakalawa, magtatapos ang paghain ng kandidatura ng hindi mabilang na mga aspirante para sa halalang isang taon pa mangyayari. Kaya naman, magmula Oktubre 1 hanggang a-8, hindi magkandaugaga ang mga
nagnanais na maging lingkod bayan. Mantakin mong ilang buwan ding todo preno ang kami-kanilang pagnanasa.
Hanggang ngiti, yakap, kalabit sabay kindat – ag mga ganitong pagbati ang syang pinaramdam. Eh kasi nga naman bawal ang mga nakagawiang pangangampanya.
Kung bakit naman kasi me mga alituntunin na pinaiiral, mga regulasyon na hindi dapat suwayin. Mga bulungan,
pwede. Kindatan, okey. Tapikan ng balikat, sapat. Yakapan at best-beso, da best. Ang siste ba, matapos parausin ang a-otso ng Oktubre, pwede ng mangampanya? Hindi pa rin sabi ng hepe at Punong Abala ng mga paghahanda para sa eleksyon na darating, gayung halos 8 buwan pa ang bubunuin. Kapag nagsampa ka ng kandidatura, bawal pa rin ang
mga gawaing usong-uso – ang patapik-tapik, pabulong-bulong, payapus-yapos.
Premature campaigning ang tawag dyan. Pwede kang maihabla at election offense daw. Mantakin mong halos isang taon pa ang bubunuin, bago ang tuwirang kampanya. Ewan nga ba Kung bakit matagal pa ang eleksyon, tensyonado na sektor ng mga kandidato. Ngayong nakapaghain na sila ng kandidatura, maghihintay pa ng Marso para sa 45-day na official campaign period. Mabuti pa daw peryahan, gabi-gabi me karera ng daga o kuneho. Ang karera ng halalan,
hindi pa pinapayagan. Mantakin mo pa na merong holiday season na darating.
“It’s feeling a lot like Christmas!” ang bumubunghalit na awit na palatandaan ng Kapaskuhan. Siguradong, sugod mga kapatid ang mga kabarangay na batalyon pag dinalaw si Ginoong Kandidato at Bb. Kandidata. Iwas-pusoy na lang ba? Kaya naman, sa mga panahong bukambibig ang mga ngalan ng kandidato, hiyaw-tinig din ang sumasambulat ng “It’s Christmastime in the city!” Haay! Nakakalunod ang gastusing parating!
October 5, 2024
January 18, 2025
January 18, 2025
January 18, 2025
January 18, 2025
January 18, 2025