Lola, 5 kasama sa pagnanakaw, kalaboso

Aug 13, 2017

LUNGSOD NG BAGUIO – Humantong sa kulungan ang isang gang ng mga babaeng magnanakaw na pinangungunahan ng isang 64-anyos na lola matapos nakorner ang mga ito ng kapulisan noong Agosto 7, 2017.
Ngunit nauna muna nilang nabiktima ang isang 59-anyos na misyonaryo, 49-anyos na maybahay, at isang 80-anyos na nanay sa parehong araw.
Kinilala ang mga suspek na sina Theresita Medina Fulgencio, 64, mula sa Carmen West Sur, Rosales, Pangasinan; Lorna Miranda Pagod, 51, taga-Carmen West Sur din; Gloria Ferrer Singko, 62, ng Cabugao, Ilocos Sur; Grace Venturia Talania, 41, mula sa Pugo, Sinait, Ilocos Sur; Imelda Tabay Singko, 49, ng Bungro, Cabugao, Ilocos Sur; Susan Ipac Imperio, 57, taga-Carmen West, Rosales; isang Estrella Galvez; at isang Suzete Tinaza.
Sa ulat ng kapulisan ay tinangay ng mga suspek mula kay Trinidad Samuel Ollet, isang misyonaryo, ang kanyang pitaka na may postal ID, SSS ID, Temple Recommend ID at mahigit P7,000 cash habang sinusundan ng mga ito ang biktima sa Lower General Luna road.
Ayon sa pulis, ang biktima kasama ang hipag ay nagwithdraw ng pera sa Metro Bank, Upper Magsaysay, Lunes ng umaga, at naglakad patungong Lower General Luna Road at walang kamalay-malay na sumusunod sa kanila ang mga suspek.
Naglakad ang mga suspek malapit sa biktima ngunit hindi pinansin ito ng mag-hipag. Lalo pang lumapit sa mga biktima ang mga suspek at pinaggitgitan sa pagitan nila ang biktima habang nasa Upper Mabini street ang mga ito. Kalaunan ay napansin na lamang ng biktima na nalaslas ang kanyang bag at wala na ang kanyang wallet.
Dakong 2:30pm, sa SM Baguio, nakuha rin ng mga suspek ang wallet na naglalaman ng Canadian Driver’s License, Health Card, Insurance Card, dalawang Visa Cards, apat na Master Cards, P1,000 cash, 700 Canadian Dollars, at iba pang mahalagang dokumento ni Gloria Sison Flores, ng INC compound sa barangay San Luis, Baguio City.
Lumabas sa imbestigasyon ng pulis na napansin na lamang ng biktima ang nawawalang wallet nang nakauwi na ito galing sa naturang mall. Ngunit naalala ng biktima na habang papasok sana sa elevator ng mall ay inipit siya ng ilang katao at halos maitulak, dahil puno na ang elevator ay ginamit nila ang escalator.
Lagpas ng tanghali ng parehong araw ay nabiktima si Flora Diagan Perry, 80 anyos, mula sa Camp 6, Tuba, Benguet habang kasama ang anak sa isang fastfood chain sa Lower Mabini Street. Nakuha ang kanyang wallet na naglalaman ng Senior Citizen’s ID; Philhealth ID Card; Boieng Employee Credit Union (BECU) card; Tiongsan Discount Card; SM Advantage Card; United Health Insurance ID; at P6,000 cash.
Nanananghalian ang mag-ina sa Jollibee nang nagpunta sa comfort room ang biktima. Ngunit habang papunta ito sa CR ay dalawa sa mga suspek ang naglakad nang napakalapit sa biktima, ang isa ay may suot na surgical mask habang ang isa ay may hawak na payong at hinaharangan ang biktima habang ilan pang babae ay nasa likuran nito. Bigla na lamang ay naghiwa-hiwalay ang mga babae kaya pumasok na sa loob ng comfort room ang biktima. Dito na niya napansin na nabuksan ang kanyang bag at nawawala ang wallet niya.
Iniulat niya ito sa supervisor ng food chain at nang tignan sa CCTV, ang mga babaeng lumapit sa kanya ang kumuha ng wallet.
Nakorner ng mga pulis ang mga suspek hapon ng Lunes sa Central Business District ngunit ang laman ng mga wallet ng mga biktima ay naipasa na sa iba pang miyembro ng gang na nakatakas. ACE ALEGRE / ABN

RELATED POSTS

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor...

LATEST NEWS

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

Affirming the Provincial Government of La Union’s support to the Philippine National Police’s commitment in securing a peaceful and orderly province, Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David graced the 121st Police Service Anniversary celebration of the La Union...

DEVELOPERS MEET, DISCUSS SOLUTIONS FOR THE COUNTRY’S HOUSING INDUSTRY

As of 2017 , housing backlog estimated at 6.7 million ; developers target building two million for 2022 Every Filipino family aspires owning a home. Years, the Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA) has relentlessly been trying to make that dream...

FACE MASK BOLUNTARYO NA ANG PAGGAMIT SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Sa mga naasiwa na sa paggamit ng facemask ay nagbigay na ng signal si Mayor Benjamin Magalong at ang city council sa pamamagitan ng naaprubahang resolusyon na puwede ng hindi mag face mask o’ boluntaryo na lamang ang paggamit nito sa mga outdoor setting...

ADOPTED SON

ADOPTED SON

Iginawad ng provincial government ng Kalinga ang mataas na pagkilala kay PNP Chief Gen.Rodolfo Azurin,Jr., bilang adopted son ng Kalinga at pinangalanang "Inchakas" sa kanyang pagbisita sa lalawigan noong Setyembre 15, Photo by Kalinga PPO/ABN

MANNALON TI ILOCOS NORTE AGAPIT MANIPUD RICE HYBRID PROJECT

SUIDAD TI LAOAG, Ilocos Norte-Dagiti mannalon a nalipaset iti maysa a 160- hectare hybrid rice cluster technology demonstration project sadiay Ilocos Norte ket agapiten iti mulada inton sumaruno a lawas. Ipalgak dagiti nadumaduma a teknolohia ti panangpataud iti bagas...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest