Lolo, natagpuang patay ng kanyang roommate

LA TRINIDAD, BENGUET – Natagpuang patay ang 70 taong gulang na si Dalmacio Domingo Fernandez ng kanyang roommate na si Virgilio Reyes, 45anyos, nitong Pebrero 7, 2018 sa Km. 5, Pico, La Trinidad, Benguet.
Sinabi ni Virgilio na mga bandang 7pm ng Pebrero 6 ay nagrereklamo si Dalmacio na sobra siyang nilalamig at pagkatapos ay natulog ito. Bandang 7am ng Pebrero 7 ay umalis si Virgilio at bumalik ng bandang 5pm at natagpuan niya na nakahiga pa rin si Dalmacio sa kanyang kama at sinubukang gisingin ngunit ito ay walang malay at hindi na gumagalaw kaya naisipan niyang tumawag ng pulis.
Ayon sa pulisya, ang sanhi ng pagkamatay ni Dalmacio ay dahil sa respiratory failure, secondary to community acquired pneumonia. Dinala ang bangkay sa Bahay Damayan Funeral sa Marcos Highway. PAULO GREG BENITEZ, UB Intern

Amianan Balita Ngayon